ZEIN LIANA MARTINEZ POV. - War Nasa loob kami ngayon ng sasakyan habang ako ay nasa tabi nya. Tila parang mayroong mamamatay sa aming dalawa kung may mag sasalita sa sobrang tahimik namin. Di ko na tinangka pang magsalita dahil alam ko na sa tiim na mata ni kaiden kanina at kilos nya ngayon. "The whole time that I was worried about you, you were at the condo with Karl, lasing kapa." Walang ganang sabi nito at tinignan ko sya. Kahit ngayong tinitignan ko sya ay kita ko ang lungkot na may halong galit sa mga mata nya. Pero nawala lahat ng guilt at awa na nararamdaman ko ng maalala ko kung bakit ako umalis ng condo nya. Muli kong tinahimik ang sarili ko at di kumibo. "Tell me zein, should I really trust him?" Di ko sya sinagot at nag suot nalang ng earphone para hindi marinig ang la

