ZEIN LIANA MARTINEZ POV. - G r a n d m a Nagising ako ng may maramdamang sakit sa katawan ko mula sa likod. Tumayo ako sa kinahihigaan ko at nakita kopang naka sandal doon si karl habang walang malay. Pinuntahan ko agad sya at tinapik tapik para magising at nang mamulat na sya ay tila nagulat pa sya. "Zein?" "Karl" Muli nya tinignan ang paligid at tinignan ko rin ito at napalapit ako ng bahagya sakanya dahil hindi ko alam kung saang lugar kami napadpad. Naalala ko pang balon ang humila sakin dito pero ang itsura na kinaroroonan namin ay parang isang gubat na madilim at tila'y nakakatakot ang mga alingawngaw ng kakaibang tunog. "Karl asan tayo?" Tanong ko sakanya ng makitang minamasid nyapa ang kapaligiran. "Zein." Tawag nya sakin at tinignan ang mga mata ko. Mag sasalita pa sana

