Kinakabahan ako! Sanay naman na ako pero parang may kakaiba eh!
"Hoy Mare cakes, what happen to your face? You look like na jejerbs"
Sabi ng Make-up artist ko na si Bianca.
"Kinakabahan Kase ako"
Napatigil siya sa Pag lalagay ng foundation sa'kin pero agad din niya itong pinatuloy.
"Eto naman daang-daang concerts and events na ang na performan mo tas kinakabahan ka pa din?"
Malamang lahat naman na na-attendan kong Concerts and events ay kinakabahan ako pero kakaiba ngayon eh, kahit na simpleng event lang.
"Ano Kase, it's different I can't explain. Pero ganito Ang kaba ko nong unang nag perform ako"
Oo ganitong ganito 'yon eh Yung una palang akong nag perform.
Pero Iba nga Lang 'yon. Una kong perform kasama ko siya.
Ngayon? Mag Isa lang ako.
3 yrs na noong huli ko siyang nakita, wala na akong balita sakanya.
Kase Hindi ako nakikibalita at Hindi din ako interesado kapag may nakakarating balita sakin.
"Naku itae mo lang yan, Kaya mo yan ano kaba! Reyna ng tanghalan ka tandaan mo yan!"
Nag kibit balikat na lang ako at binahala nalang ang kaba alam ko naman na Kaya ko to sana. Habang pinapatuloy ni Bianca Ang Pag lalagay ng make up sakin biglang dumating Ang manager ko na kanina pa nawawala ewan ko Kung san planeta 'to sumuot.
"O Mamsh san kanaman planeta napunta? Pawis na pawis ka ata?" Tanong ko sa manager ko.
"Galing lang yan sa Cr baka nag number 2 or may- Omaygad" napatigil si Bianca sa Pag me-make up sakin.
"Oh na Pano ka?" Tanong ko na may halong Pag tataka.
"Gumawa ka ng milagro no?" Tanong ni Bianca sa manager ko. Agad naman siyang binatukan ni Manager.
"Bobo! Hindi anong milagro? Baka gusto mong Palitan Kita ngayon? Ora mismo?"
Pananakot ng manager ko.
"Kung ako Kaya Ang pumalit sainyo ngayon?" Pananaray ko. Agad naman akong tinignan ng masama ng manager ko. Mukhang-
"Hooyyy baka na alala mo na-" ayan na baka Kung anong panunumbat nanaman.
"Charot Lang ano ka ba! So bat' nga kasi ganyan mukha mo? Mukha ka talang natatae swear!"
"Kasi dzai si ano.." Pag aalanganin niyang sagot sakin, at mukhang kinakabahan.
Mukhang alam ko na.
"Si?"
"Si ano.."
Sabihin mo na kasi! Naku.
"Si?" Tanong ko ulit.
"SI TYLER!" sigaw ni Bianca at eksakto tapos na siya sa Pag aayos sakin.
Napatingin ako sa dereksyon Kung san nakatingin si Bianca.
Tug! Tug! Tug! Tug!
Napatayo ako.
Hindi ko alam Ang gagawin.
Nakita ko na Siya.
Nakita ko nanaman siya.
Bumalik lahat ng sakit sakin.
Nakita ko na ang taong Mahal na Mahal ko noon.
Ang taong sumira ng tiwala ko. Ang taong nagpabago saakin.
Nanlambot Ang mga tuhod ko napahawak ako Kay Bianca.
Nanlabo Ang paningin ko. Nag Uunahan bumagsak Ang mga luha ko.
Nakatingin siya sa dereksyon namin. Ayoko na siyang makita.
"SUNSHINE DE GUZMAN NEXT"