"Anong ginagawa natin Dito?" Tanong ko Kay Kate. Monday ngayon at pagkatapos namin ng class nag Kita kami para pumunta Kung san ginaganap ang drama class nina sam.
"Ano ba nasaisip mong ginagawa natin Dito?" Tanong sakin ni Kate.
Tinignan ko lang siya at sinundan papasok sa room nina sam kunwari daw kasi papanoodin namin mag practice sina sam. Pero Ang totoo para makita namin si Tyler. I mean para makita ko si Tyler.
Medjo kinakabahan ako sa gagawin namin. Sana lang ay pumayag Ang Trainor nina sam na manood kami. Kung Hindi pumayag mukhang maiistak kami dito sa labas!
"Ikaw na kumatok" bulong sakin ni Kate.
"Ikaw na ikaw may plano nito eh!"
"Ikaw na, Ikaw may kaylangan nito eh!" Sabi sa'kin ni kate sabay tulak sakin.
Eksaktong Pag tulak niya saakin ay bumuka Ang pinto at tuloy tuloy akong bumagsak kasama 'yong lalaking nabanga ko!
Aray ko! Napatayo ako agad at napatingin sa nabanga ko.
"So-"
"Omayyyyghaaddd!!" Tili ni kate napatingin ako sakanya at sinamaan siya ng Tingin. Nakakahiya kaman 'tong babaeng 'to bigla bigla nalang Tumitili.
Namumula si kate at Hindi mapakaling tinuturo Ang nasa likod ko Kaya napatingin ako sa likod ko. Ay oo nga pala 'di pa ako nakakahingi ng sorry.
"So..rr..y" mahinang sabi ko ng ma realize ko Kung sino Ang nasa harap ko.
This is it pancit! Nasa harapan ko na siya!
"Are you okay?" Casual na Tanong ni Tyler.
Napa nganga nalang ako. Ang gwapo niya syet. Nasa langit na ba ako? Parang Anghel ang mukha niya!
"Hello?.. Miss?" Tanong sakin ni Tyler, na nag pabalik sa reyalidad ko na nasa harap ko nga siya!
"I'm..oka-" Hindi ko na natapos sasabihin ko ng biglang lumapit si sam.
Ay bastos.
"Oh andito na pala kayo, pasok na kayo okay lang daw manood sabi ng trainor namin" sabi samin ni Sam na Hindi niya ata napapansin na kausap ko si crush.
Hinila niya ako at sumunod naman samin si kate. Tinignan ko pa si Tyler pero nag kibit balikat nalang siya at lumabas.
"Hala Ang epal mo naman sam!" Sabi ni kate kay sam.
Oo nga Ang epal kausap ko na eh! Dumating pa 'to!
"Ikaw naman shine pabebe pa natulala pa ampota" sabi ni kate na tumatawa. Agad ko Namang Hinila Ang buhok niya.
"Ouch" sabi niya
"Bakit Naman ako naging epal? Pinuntahan ko lang naman kayo kasi sabi ni Glen nandito na daw kayo" sabi ni Sam habang inaayos Ang buhok niya.
"Boba kausap niya lang naman si Tyler" sabi ni kate "at alam mo ba? Nagka bungguan pa sila!" Kinikilig na sabi ni Kate "Sana all nalang talaga dzai! Mala teleserye hahaha"
"Really?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sam. Tumango nalang ako. "Mag bibihis lang ata 'yon at babalik na dito" patuloy ni Sam.
"Kinamusta nga ako eh Kung dika lang Sana umepal nag i do na kami!" Pag bibiro ko.
"Parang kasalanan ko pa!" Madramang sabi ni Sam.
"Alis na nga kayo" Pag taray sa'kin ni Sam
"dapat nga Be thankful to me kasi Kung Hindi ko kinausap si Nay Inah di kayo makakapanood!"
'di ko nalang pinansin si sam at ginala ko nalang ang mga Mata ko sa Drama room Nila, malaki ito at parang Dance studio Ang peg na ang palibot ay puro Salamin. Pero pinag kaiba lang nito ay may simpleng stage sa Unahan.
Dumating na ang trainor nila at napatingin ito samin ni kate. Kumaway siya at lumapit. Na Mukhang alam na niya na talaga na pupunta kami at Mukhang friendly at mabait naman 'to.
"Hello" bati samin ng trainor Nila.
"Hello po" sabay na bati namin ni kate.
"I'm Inah, trainor of this drama class" Pag papakilala niya samin.
"Kate, sam friend" bati din ni kate sakanya and nikapag shake hands.
"Ahmm Sunshine De-guzman, but you can call me shine, Also sam friend" bati ko din sa trainor nina sam.
"Cute name,shine" sabi sakin ng trainor Nila at nag blink sakin.
"You can call me Nay Inah" sabi ulit ni nay Inah. Makiki Nay Inah na din ako sabi niya eh I can call him Nay Inah.
"Okay po Nay Inah" nag usap pa kami ng kunti at tinanong kong ano daw nakapag udyok samin para panoodin si sam. Syempre mabait kami Kaya Hindi namin sinabi Ang totoo char.
umalis na si Nay Inah at pumunta na sa Unahan at inayos Ang mga mic and speaker.
"Grabe ikaw Lang sinabihan na cute name hmp" Pag mamaktol ni kate. Tinignan ko lang siya at umiling iling.
Nag punta muna sila ni sam and kate sa Cr kasi na C-cr na daw si kate at Kay Sam nalang nagpasama kasi alam nito Ang cr. At Kung ako daw Ang Kasama niya baka daw parehas pa kami ma ligaw.
Mag Isa akong nakaupo sa tabi katabi ng mga bag ni Sam at mga Kasama niya sa drama class ng may biglang nag Lagay din ng bag halos katabi lang nong kay sam.
Napatingin ako Kung sino yon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nakita ko.
Enebe nekete ke nenemen siya.
Tinaasan niya ako ng kilay at nag smile.
Omayyghadd kinikilig akooooo!!! Wag kanaman pa fall koya!
"Hello" formal na sabi niya.
"A-ahmm s-sorry pala kanina" shine ano kaba bakit ka ba nauutal! Nakakahiya ka.
"It's okay, excuse me" sabi niya at umalis na pumunta na sa Unahan Kung nasan sina Nay Inah.
"Hala Ang landi!" Sabi ni kate na kakarating lang si sam pumunta na din sa Unahan.
"Umalis lang kami Pag balik namin magka usap na kayo"
Tinarayan ko Lang siya at tinignan ulit si Tyler. Wahhh nakaka kilig siya Ang gwapo, at Ang bango pa. Bagay sakanya Ang suot niya Naka white V-neck Tshirt lang siya at Naka Maong short and white sneakers.
Ang lakas maka pogi, artistang artista Ang datingan.
May mga dumating din na mga poging lalaki at nag Lagay din ng bag katabi nong kay Tyler. Ito Namang katabi ko 'di mapakali sa mga nakita niyang gwapong lalaki. Hindi Naman ako interesado sa mga 'yon. Kay Tyler lang ako interesado sa ngayon.
Nag simula na sila, si kate interesado din makinig kay nay Inah dahil mahilig din siyang Umarte kaso wala daw siyang pera para pang bayad sa drama class, at ayaw niya humingi sa daddy niya dahil nahihiya na daw siya dahil binigyan na siya ng condo.
Ako interesado din dahil mahilig din ako mag drama kasali din ako sa drama class noon pero nung lumipat ng drama class si sam and Bea Umalis na din ako at mas pinatuloy Ang Pag kakanta.
Speaking of Bea Hindi sila same ng drama class ni Sam nasa kabilang building siya Kaya wala Siya Dito ngayon.
Nag ramdom drama muna sila. Ang gagaling Nila Mukhang Hindi na nga nila kaylangang mag drama class.
Natapos na sila Hindi ko namalayan Ang oras halos Tatlong oras din sila. Na enjoy ako Ang gagaling.
Lumapit na saamin si sam at nasa likod niya si Tyler at mga kaibigan niya din ata.
"Wow galing naman" sabi ko kay sam.
"Thankyou!" Pag pasalamat saakin ni Sam at nilagay pa Ang hibla ng buhok niya sa likod ng tenga.
"At dahil magaling ka Ikaw Ang manglilibre" singit ni kate sumimangot naman si sam. Sabay kaning natawa ni Kate.
Nag uusap pa sila ni Sam pero ako naka focus Lang kay Tyler na kumukuhang damit sa bag niya.
"Baka matunaw dzai" bulong sakin ni Kate. I rolled my eyes and I continue staring at him.
"Dahan dahan sa Pag titig" Pag paparinig no'ng kaibigan ata ni Tyler. Tinignan ko siya nahiya tuloy ako. Kaya napayuko nalang ako.
Lumapit saakin ang kaibigan ata ni Tyler.
"Hi, newbie? Ngayon lang Kita nakita dito" sabi sakin nong lalaki.
"Ahh no, I'm not, Nandito lang ako kasi pinanood namin si sam" sagot ko sakanya.
"I see, pinanood si sam or may Ibang pinapanood?" Natatawang sabi niya na ang tinutukoy ay si Tyler. Napailing nalang ako at Tumawa.
"Btw I'm Kurt" Pag papakilala niya at inabot sakin Ang kamay niya.
"Kate" epal na sagot ni kate at siya Ang nakipag shake hand kay kurt. Ang kapal ng Mukha nakakahiya naman 'tong kaibigan ko.
"Ang lambot ng kamay" bulong sa'kin ni kate.Ang landi naman. Napakamot nalang si kurt sa Batok niya. At ngumiti Kay Kate.
"Hello kate" casual na bati niya kay kate.
Tumingin ulit siya sa'kin. Kaya nag pakilala na din ako mukhang 'yon Ang hinihintay niyang Sabihin ko.
"I'm shine, nice to meet you" sabi ko at nakipag shake hands sakanya. True nga Ang lambot ng kamay niya.
"Remind to invite you to simple Meryenda?" Tanong sakin ni Kurt.
"Pwede mo din isama friends mo" sabi niya pa sakin habang tinignan si Kate.
Nahalata niya siguro na nag aalangan ako. Syempre mag aalangan ako ngayon ko lang siya nakilala eh kahit na kaibigan siya ni Tyler Baka Kung ano pa din Ang Gawin niya samin kahit na mukhang Anghel Ang Mukha niya.
"It's okay if you don't want next time nalang siguro" sabi niya samin at nginitian ako.
Hindi pa din siya umaalis at hinihintay ata Ang sagot ko. Hindi ko naman kasi alam sasabihin ko? Papayag ba ako oo o Hindi?
Dumating si Sam may kasamang Babae "yow what's going on?" Tanong ni Sam samin.
"Ahm I'm inviting your friend" sagot ni Tyler Kay sam.
Napataas ng kilay si sam. "Why?" Ma taray na tanong ni Sam.
"Because I want to"
"You're with?
"C'mon sam, Simpleng Meryenda lang kasama kaibigan mo. Kasama ka din Kaya" sabi ni Kurt kay sam at nag blink.
Namula si sam at nag iwas ng tingin.
Napabuntong hininga si sam at tinignan ako at si kate.
"So? What's the decision?" Tanong samin ni Sam.
Nag tinginan naman kami ni kate at sabay tumango.
Nasa starbucks kami ngayon. Nauna na kami nila sam and kate Kasama namin yung Kaibigan ni Sam na Glenna daw Ang name.
'di din tumagal at dumating na sina Kurt Kasama si Tyler and yung isa niyang kaibigan may Kasama din silang isang Babae. Mukhang bata pa tignan. At Familiar Siya sa'kin parang nakita ko na Siya.
Nag order na si Kurt, siya na daw Ang mag babayad ng inorder namin. Wow Ang bait naman.
Pumunta muna ako ng cr para mag ayos. Dahil nakakahiya kay Tyler na makita akong magulo syempre mag retouch muna tayo para fresh.
Pag balik ko nabigla ako sa position nila sa upuan nag iba kasi.
Katabi ni Kurt si sam at katabi naman ni Sam si kate at Ang katabi ni kate ay Yung isang kaibigan ni Kurt.
Yung dalawang nasa dulo ng table ay si Glenna at Yung kasama nila Kurt na Babae.
Nasa harap nina Kate si Tyler at sa tabi nalang ni Tyler Ang may bakante.
Dapat talaga kasi katabi ko si Kate ewan ko Kung bakit naging katabi niya na yung Kaibigan ni Kurt.
Naupo nalang ako sa tabi Ni tyler. tumingin ako Kay Kate. But she gave me a playful smile. I rolled my eyes at her. Pag talaga nahalata ni Tyler na crush ko siya malilintikan kang Babae ka.
Nag usap usap sila, Yung isang kaibigan pala nila ay Andrie Ang pangalan. At shane naman Yung kasama nilang Babae na Kapatid pala ni Andrie. Kaya na mumukhaan ko siya kasi artista pala wew.
"Shine" tawag sakin ni Sam.
"Hmm?" Sagot ko habang umiinom nung drink ko.
"'diba next month na 'yung Laban mo sa School niyo?" Sam ask me.
"Yeah?why?" Bakit naman niya na tanong? Manonood ba siya? Pero Ang alam ko bawal pumasok Ang Taga ibang school sa School namin Sa oras ng laban.
"May sinabi ba sainyo Kung sino Ang magiging judge?"
"No, pero I think student din from other school" sagot ko sakanya habang abala ako sa foods ko foods is life mare.
Nag tataka nga ako eh Kung bakit Taga Ibang school and student din ang magiging judge maaring maging luto yung laban kasi baka kaibigan ng kalaban ko Ang maging judge at 'yon ang manalo tsk.
"Ahhh wala bang sinabing school?" Sam ask me again, why she keep asking about my contest ever since she don't have an interest about the judges or about to my contest.
"Wala-and why are you asking?"
Umiling lang siya at nag smile sa'kin.
Weird.
Napairap nalang ako sa kawalan at pilit inubos Ang pagkain ko. Nag uusap usap lang sila at nakikinig lang ako.
Me and Tyler are keep quiet. Hindi kami nag aabalang Mag salita.
"Ang tahimik niyo naman" sabi ni Andrie
"Sam Ganyan ba talaga katahimik si Shine? si Tyler kasi Ganyan na talaga Yan haha" Kurt ask sam. Agad ding tumanggi si sam.
"Hell no! Ingay ingay Kaya niyan."
I rolled my eyes, "may iniisip lang" sagot ko sakanila.
"Sus,may iniisip o nag papa bebe lang kasi nakita si crush? Sabi ni kate, I immediately look at her with my killer eyes. I want to kill her! Kung ano-ano Ang sinasabi.
Tumawa silang lahat maliban kay Tyler.
"N-no! Crush? Sino ba crush ko?" Tanong ko na Sana pala Hindi ko nalang tinanong baka madulas si kate, napaka daldal panaman nito.
"Si T-" mag sasalita Sana siya ng tignan ko Siya ng masama.
"S-sino ba crush mo?" Pag iiba ni Kate.
"Seriously? You girls have a crush? Natatawang tanong ni Kurt.
Walang sumagot samin.
"Para kayong elementary nagkaka crush!" Sabi ni Kurt habang tumatawa.
Bakit? Ang mayayaman ba Hindi nag kaka crush? Hindi ba sakanila uso Ang crush crush?
"B-bakit? Hindi ba kayo nag ka crush?" Tanong ko kay Kurt.
"When I was a kid I have, but Shine! Hahaha you're now a teen, and that crush thing is just for kids! Haha" Natatawang sagot niya
Hala Siya wala namang sinabing pang bata lang Ang crush eh.
Nag kibit balikat nalang ako at Hindi kumbinsido sa sinabi niya.
"Anyway shine, Are you done thinking what you want to Sing on the contest?" Sam ask me.
Nag suggest na sila sa'kin last week pero wala ako mapili kahit yung that should be me na suggest ni Kira Hindi ko na kakantain may naisip na kasi ako, narinig ko kasi sa radyo. Parang matanda na ang kumanta pero Hindi naman 'yon ang basehan para kasi sa taong nagugustuhan ko Ang lyrics non hehe.
Tumango nalang ako bilang sagot kay Sam.
"Wow singer" sabi ni Kurt sa'kin.
"Ako lang 'to" and I make a face. Nag tawanan naman sila.
Kinuha ko Ang phone ko para mag open ng social media. Nagulat ako ng Pag open ko ng phone madaming messages and calls agad Ang bumungad sakin. I immediately open it.
From: Kira
Hoy asan ka gaga ka!
From: Kira
Hoy kaylangan tayo ngayon ni Bea!
From: Kira
Asan ba kayo nina Sam? Lahat kayo Hindi Sumasagot sa text and calls ko.
From: Kira
Punyeta iyak ng iyak si Bea Need niya tayo ngayon nasang lupalop kayo at Hindi manlang maisipan I-open Ang phone!
From: Kira
Nasa Condo na kami ngayon ni Bea, pls lang Hindi ko alam Kung Pano pakalmahin si Bea.
Madami pang messages si Kira pero tumayo na ako. Ano kayang problema Ni Bea.
"Hey are you okay? What happen?" Tyler ask me tinignan ko lang siya at binaling Ang tingin kina sam And kate.
"Sam and kate, Bea need us rightnow, tignan niyo phone niyo!" Kinuha nila 'yon at nabigla sila. Lumabas na ako ng starbucks at Hindi na hinintay si Sam and Kate. Narinig ko din na tinatawag Nila ako.
Wala panaman akong dalang sasakyan! Naglakad lang kasi kami ni Kate papunta sa Drama Class ni Sam kasi malapit lag sa school.
Kinakabahan ako kasi Hindi naman umiiyak ng ganon ganon Lang si Bea. At Hindi magmessage ng ganon karami si Kira.
Hindi ko napansin si Tyler na sumunod pala sa'kin.
"Halika na sa kotse" sabi niya sakin at hinawakan Ang palapulsuhan ko. Kikiligin na Sana ako pero Hindi ko Kaya kasi kinakabahan ako.
Naks Naka BMW sumakay na ako sa passenger seat. At nag drive na siya. Ang smooth niya mag drive. Tinanong niya na din sa'kin Kung saan ako papunta.
Hindi ko na Siya hinintay at dumiretso na ako sa condo ni Bea.
Si Bea kasi,saming mag kakaibigan Siya 'yong taong Hindi iyakin. At Kung Kaya niyang taguin Ang problema niya tataguin niya. Kaya nag aaalala ako ngayon sakanya.
Pagkadating ko sa tapat ng condo niya ay nakailang Pindot ako ng Doorbell.
Agad naman din 'yon binuksan ni Kira. Tinarayan ako pagka buka ng pagkabuka ng pinto.
"Si Bea?" Agad na Tanong ko ka Kira.
"Ayon sa kwarto niya iyak ng iyak 'di ko makausap. Diko alam Kung paano patahanin."
Gagi ano kayang nangyari don.
Agad akong pumunta sa kwarto ni Bea. Hindi 'yon Naka lock Kaya Naka pasok agad ako.
Nakita ko si Bea Naka upo sa dulo ng kama niya at umiiyak.
Ang sakit sa pakiramdam na nakikita ko Ang kaibigan ko ganitong nasasaktan.
I immediately run to her and hug her.
"Shhh" Pag papatahan ko. Niyakap niya din ako pabalik.
"Shine.." hagulhul ni Bea.
"Shhh, I'm here, where here for you always. What happen ? Sabihin mo Bea plss"
Hindi Siya sumagot ay iyak pa din ng iyak.
"Ang sakit sakit" halos pabulong nang hagulhul ni Bea.
"Asan ba boyfriend mo ha??" Iritang Tanong ko. Wala manlang Dito para patahanin si Bea.
Tumingin ako Kay Kira. Nag Tanong Ang mga Mata ko sakanya. Nag kibit balikat lang Siya at lumapit para yakapin din si Bea.
Hindi din nag tagal ay dumating na din sina Sam and kate. They comfort Bea too.
"Mag luluto muna ako" paalam ko sakanila dahil dinner na.
"Sama ako" sabi ni Kate.
Tumango lang ako at lumabas na ng Kwarto ni Bea. Pinipilit pa din nina Kira and Sam si Bea na Sabihin sakanila Ang Nangyari. Medjo kumalma na din naman si Bea.
"Hoy Ang landi din eh no" bulong sa'kin ni kate.
Sinamaan ko Siya ng tingin. Ano sinasabi nito.
"Agad ka nalang nawawala yawa ka Hindi Mo manlang kami hinintay"
"Kasi naman Nag aalala na ako Kay Bea."
"Kasama mo pa talaga si Tyler, 'di mo manlang inaya pumasok."
Napa hand snap ako. Sh*t oo nga pala si Tyler.
Agad akong umalis. "Ikaw na muna mag luto" sabi ko Kay Kate. Nyemas nakalimutan ko si Tyler. Wala panaman ako number non. Hindi manlang ako nakapag pasalamat. Umalis na Kaya Siya?
Napahinto ako ng Pag bukas ko ng pinto ay nasa labas si Tyler.
Naka sandal Siya at Naka cross arm. Napaayos Siya ng tayo ng makita ako.
"Are you okay?" Tyler ask me.
Sh*t kawawa naman Siya iniwan ko. Baka nilamok Siya Dito. Hindi manlang Siya inaya nina Kate sa loob. Nakakahiya nakisakay na nga ako sakanya tas iniwan ko pa Siya.
"Hey" sabi niya ulit sakin.
"S-sorry I'm okay. How about you? Nilamok ka ba?" Tanong ko sakanya.
"Medjo" sagot niya at kinakamot Ang legs niya. Naka short kasi siya. Mukhang pinapak na Siya ng mga lamok.
Sana all sa lamok na natikman na si Tyler. Hoy lamok ano ba lasa ni Tyler? Patikim din. Charot
"Tara sa loob" aya ko sakanya. Tumango lang Siya at sumunod. Pagkapasok namin ay nasa sala na sina Sam, Bea and Kira. Gulat silang nakatingin sa'kin at Kay Tyler.
"Hi" akward na bati sakanila ni Tyler.
"Ahm pinapasok ko na kasi pinapapak na Siya ng lamok sa labas" kamot batok Kong sagot sa kanila.
"I thought you leave already Tyler?" Sam ask Tyler.
"Halika upo ka muna" Alok sakanya Ni Kira. At sumunod agad si Tyler. Aba masunuring binata.
Tumabi ako Kay Tyler na tahimik lang at iginagala Ang mga Mata sa condo ni Bea.
Malaki kasi ang Condo ni Bea. Mas malaki Ang condo niya kesa kay Kate. Si Bea and Kate Lang samin Ang may Condo. Ako si Sam and Kira ay sa Kanya kan'yang bahay kami nakatira.
Si Bea kasi ay Taga Probinsya Kaya niregaluhan Siya ng tita niya ng condo Dito sa manila.
Si kate naman, wala feel niya lang daw mag pabili sa daddy niya ng condo kasi Hindi Siya nakakatagal sa bahay Nila. At broken family din kasi Si kate. Kung anong anong talak daw na ririnig niya sa step mom niya.
Tinignan ko si Kira na naka ngisi samin.
"Mabilis mo talagang makuha Ang gusto mo no Shine?" Tanong ni Kira sa'kin.
Anong pinag sasabi nito?
"Anong pinagsasabi mo?" Curious na Tanong ko sakanya.
Kinunutan ko Siya ng noo ng ma gets ko Ang sinasabi niya. Tumawa Siya ng malakas at pumuntang kusina.
"Weird" bulong ko.
"Dito ka nalang kumain Tyler" sabi ni Kate sakanya.
"Sure" Pag payag ni Tyler sakanya.
Hindi nag tagal tinawag na kami ni Kira and kate na pumunta sa kusina. Hindi ko na natulungan si kate ako dapat mag luluto eh.
Tahimik lang kaming kumain. At pagka tapos naming kumain ay nag paalam na din si Tyler na aalis Siya kasi may Gagawin pa daw siyang importante. Hinatid ko Siya sa may parking lot ng Building ng Condo ni Bea.
Nag sorry ako sakanya at sinabi na babawi ako sakanya.
At pagka balik ko sa condo ay Nasaakin kaagad Ang tingin Nila.
"Anong klaseng tingin yan?"
:)