“Aim for the moon. If you miss, you may hit a star.”
~W. Clement Stone
ALAM NI KRISTINE Marie na may mali sa kanyang asawa. Pag-uwi nila galing Batangas naging tahimik na ito. Parang bumalik na naman sila sa dati kung saan para siyang multo na hindi nito nakikita. At iisa lang ang rason ang nasa isip niya – ang pagtugtog niya ng piano.
Matagal-tagal na rin siyang hindi tumutugtog ng piano. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanya nang araw na iyon at bigla na lamang siyang na-engganyo na tumugtog, lalo na nang malaman niya na pagmamay-ari iyon ng ama ni Paul na namayapa na. Ano ang meron sa pagtugtog niya at nagkaganoon ang kanyang asawa? Ano ang mga lihim nito? Bakit ito takot sa kidlat?
Marami siyang katanungan ngunit hindi niya kayang sagutin. Nakahiyaan naman niyang tanungin si Mayan o si Lola Allysa at Lolo Dominic. Ayaw niyang sirain ang bagong relasyon na meron ang dalawa. Gusto niyang sisihin ang pagtugtog niya ngunit binigyan siya noon ng buhay para tumugtog ulit, para siyang nakuryente at dumaloy iyon sa kanyang ugat. Hanggang sa namalayan na lamang niya na tumitipa na siya.
Ilang araw na siyang hindi kinikibo ng asawa. Daig pa niya ang f*******: na may ‘seenzoned.’ Hindi siya makakapayag na matabunan lamang ng lupa ang siyam na buwan niyang paghuhukay. He was so mysterious that thinking him about it made her fanatical and fixated.
Hindi naglaon ay bumaba ng hagdan si Paul. Nakabihis ito at may hawak na travelling bag.
“Saan ka pupunta?” tanong niya.
“I’ll be gone for three days. May aayusin ako sa Isabela,” sagot nito.
“Iniiwasan mo ba ako?” hindi nakapigil na tanong niya.
“Why should I?” he barked.
“Hindi ko alam sa’yo! Ang labo mo, Paul. Akala ko ba okay na tayo? Ipaparamdam mo sa akin ang mga yakap at halik mo pagkatapos hindi ka na lang mamamansin na parang wala ako sa bahay na ito. Ano ito, Paul?”
“Wala akong ipinangakong marangyang buhay sa iyo. Don’t demand from me as if I promised something to you!”
“Let’s stop this charade, Paul. Nakakapagod. Kung sana hindi mo ipinaramdam sa akin na pwede tayong maging masaya, sige tatanggapin ko ang lahat ng pagtrato mo sa akin. But it’s not, we both know that there’s something between us. And you can not deny it.”
“Stupid. I’m not denying it. I want you. But that’s it. No more no less,” he said in poker face.
She thought he was lying so she was searching for a breach to his eyes but he didn’t falter. Pain engulfed her. But she embraced it.
“Then do not suppress it. I’ll make that ‘want’ into hunger, hunger into love until you have no choice but to appreciate it,” she said defiantly.
“Good luck,” he mocked.
She took a hard breath and relaxed. She built the connection and gave him the expression she learned from him. She drew closer. His expression changed. The ice he built was melting. She touched his face and his muscles tensed. She was into him, closer... closer... closer... but he moved away.
“You broke the rule! I am giving you the expression. How could you... h-how,” she stammered. She was furious and hurt.
“I am in hurry,” he said, clutched his bag and turned away.
“Maybe I’m not that good enough, not that good student. Maybe I need to find another teacher that will---“
In a wisp of a second, he painfully grabbed her arms. Kung nakakamatay lamang ang tingin, nakabulagta na siguro siya. “Don’t you dare!” he said in a low, dangerous voice.
She cringed. Her bones might break from his grip. But she endured it. She raised her chin and she said insolently, “Then I’ll come with you.”
Matagal silang nagtitigan. Hanggang sa bitawan nito ang kanyang kamay.
“Five minutes,” anito.
Dagli siyang umakyat para ayusin ang kanyang gamit.
~~o~~
“DIYAN TAYO SASAKAY?” nahihintakutang tanong ni KM. Nasa roof top sila ng Tropical Orient. Akala niya may kakausapin lamang ang kanyang asawa sa taas, ngunit laking gulat niya nang makita ang isang helicopter. Mas malaki nga lamang iyon kesa sa pangkaraniwan.
“Oo,” tinatamad na sagot ni Paul.
“No. Pwede naman tayong mag-bus, Paul. Mas mainam iyon,” nanghihinang suhestiyon niya.
“It would be too hassling if we take transportation by land. Aabutin tayo ng labing-limang oras,” ani Paul.
“15 hours? Akala ko ba eight to nine hours lang ang biyahe mula dito hanggang sa Isabela?” tanong niya.
“Hanggang Santiago City lang iyon. Sa Maconacon tayo pupunta. At kung gagamitin natin ang sasakyan ko, kailangan pa nating magbangka para makarating doon,” paliwanang ni Paul.
“Okay lang sa akin ang 15 hours na biyahe, asawa ko,” nakangiting sagot niya.
“Para sa akin hindi. Kung ayaw mong sumakay, pwede namang hindi ka sumama.”
“No! No! Sasama ako. Ilang minuto bago tayo makakarating doon?”
“Two hours.”
“Two hours?!” Nanginginig ang tuhod niya at nauubusan siya ng lakas. Kakayanin ba niyang sumakay sa maliit na eroplanong iyon? Hindi pa man nakasakay ay pinanghihinaan na siya ng loob.
Nakasakay na ang kanyang asawa pero nakatayo pa rin siya sa labas. Nakatingin ito sa kanya tila nagtatanong kung sasama siya o hindi.
Nag-usal siya ng panalangin bago sumakay.
Marunong palang magpatakbo ng helicopter ang asawa ko, pansin niya. Marami pa itong pinindot hanggang sa tumingin ito sa kanya saka ngumisi.
Napasinghap siya ng hangin nang mapagtantong paakyat na sila. Hinawakan niyang mabuti ang arm rest ng upuan para kumuha doon ng lakas. Lumitaw ang butil-butil niyang pawis. Gusto niyang humiyaw sa kaba ngunit parang nalulon niya ang dila sa kaba.
Tinignan niya ang asawa. Para lang itong nagpapalipad ng saranggola kung makangisi. Malamang sa loob-loob nito, pinagtatawanan siya. Wala siyang ibang ginawa kundi ipikit ang mga mata at suminghap sa hangin na tila nalulunod.
Hindi naglaon ay lumapag na ang sinasakyan nila. Hindi rumehistro ang mga taong sumalubong sa kanila pati na ang paraisong nakahain sa kanyang harapan. Dagli siyang nagpahatid sa kwarto niya saka hiniga ang katawan para pawiin ang hilo at takot niya.
Hindi niya namalayan na nakatulog siya.
Wala na ang nararamdamang hilo pagkagising niya. Nililipad ng hangin ang kurtina, sariwa iyon at masarap sa pakiramdam. Lumapit siya at napansin niyang daan iyon papuntang veranda. Anong gulat at pagkamangha ang bumalot sa kanya pagkakita ng tanawin sa kanyang harapan.
It was magnificent - no, it was beyond magnificence. She was facing directly to the ocean glimmering with silver stars. Ngayon niya lubos naintindihan ang kaibigang si Jacel kung bakit paborito nitong tumambay sa parke nila noong kolehiyo pa lamang sila. Tila sumasayaw ang kislap ng dagat sa haplos ng araw. Naging kahel ang kalangitan. Nasa likod niya ang papalubog na araw kaya mas kapansin-pansin ang kagandahan ng dagat.
Tanaw niya ang buong paraiso dahil nasa itaas ng burol ang villa. Tanaw niya ang mga ginagawang villa sa ibaba.
“Ang ganda...” ang tanging nasambit niya.
She was enchanted with the beauty of the island when she heard her stomach grumped. Bumaba siya mula sa ikalawang palapag at binati siya ng isang may edad na babae.
“Magandang hapon po, Ma’am. Ako po ang katiwalang ipinadala ni Sir Angelo. Madi ka pay kano nangan panggaldaw, mabisin ka siguron ading.”
“Ano po?” nababaghang tanong niya.
“Ay pasensya po, Ma’am. Hindi ko po napapansin na Ilocano ang ginagamit kong salita. Tinatanong ko po kung gutom na po kayo, Ma’am,” magiliw na saad ng matanda.
“Opo. At saka ‘wag niyo na po akong tawaging ‘Ma’am,’ KM na lang po,” nakangiti naman sabi.
“Sige po, Ma’am KM,” anito at pinaghanda siya ng pagkain. Gutom na gutom siya at pakiramdam niya, bitukang-kargador siya nang sandaling iyon. Masarap ang inihain pagkain ng matanda, Ilocanong Pinakbet daw iyon. Itinanim niya sa isip na bago umalis ay magpapaturo siya rito kung paano lutuin iyon at iba pang putahe na niluto nito.
“Salamat po sa masarap na pagkain, Aling---“ napatigil siya.
“Sunshine po. Aling Sunshine,” anito at ngumiti at dinasal sa kanya ang isang mainit na puswelo ng tsokolate. Bagay rito ang pangalan dahil para itong araw sa sobrang saya.
“Aling Sunshine,” tawag niya rito saka itinaas ang mug ng tsokolate. “Thanks for the cup.”
Umabot hanggang sa tenga ang ngiti nito. Naglibot siya sa loob ng bahay pagkatapos kumain. Maganda ang pagkakagawa ng mga bahay – modernong bahay kubo. Paglabas ng villa ay inilibot niya ang paningin. May ginawang daanan para makaakyat ang mga sasakyan at mga hagdan naman sa mga gustong maglakad. Hindi bababa sa dalawampo ang mga villa na pinapagawa.
Sa paglilibot ay nahagip ng kanyang tingin ang kanyang asawa sa ibaba malapit sa dagat. Malayo siya ngunit alam niya ang bulto ng asawa. Nakasando ito at board shorts. May kasama itong – nanlaki ang mga mata niya nang mapansin na naka-two piece ang babaing kasama ng asawa. Mukhang may pinag-uusapan ang mga ito.
Tumawa ang babae at tinampal nito sa braso ang kanyang asawa. Napataas ang kilay niya roon. Dagli siyang pumasok sa kwarto at hinanap ang kanyang bag. Tatalbugan niya ang impakta. Daig pa niya ang girl scout sa pagiging ready niya, lagi siyang may nakahandang swim suit.
Isinuot niya ang kanyang Winnie the Pooh na two piece. Nagsuot siya ng maiksing roba. Humarap siya sa salamin, kinagat ang labi at pinalo at pwet para mamula ang mga iyon. Hindi naglaon ay pababa na siya sa walang katapusang hagdan.
Naglakad siyang parang si Melanie Marquez, in-imagine niyang lalabas ang mga kalalakihan sa mga nadadaanan niyang villa. Punong-puno siya ng confidence. Hindi niya pinahalatang masakit na ang mga paa niya sa kakalakad.
Malapit na siya. Nakikita na niya ang serpentina na natutuwang hampas-hampasin ang braso ng kanyang asawa.
“Asawa ko,” taas noong saad niya, saka ipinulupot ang mga kamay sa batok nito at hinalikan ito. Namula ito pagkatapos ng halik. Ngayon niya naintindihan kung bakit nagpapa-cute ang babaeng sepertina sa kanyang asawa. He was sinfully gorgoues oozing with oh-my-God s*x appeal.
Nakakunot ang noo nito. He cleared his throat and he said, “Amazing Grace, this is... my wife...”
Aba nag-atubili pa siyang tawaging asawa niya ako. “... and this is Amazing Grace, the interior designer of this project.”
Ngayon lang ako nakakita ng interior designer na walang interior sa katawan. Tama bang mag-two piece siya sa harap ng asawa ko? Gusto ata niyang mabalatan ng buhay.
“Hi,” nakangiting abot niya sa kamay sa babaeng sepentina. Inabot nito ang malagkit nitong kamay. “I’m KM, Paul’s wife, your Ma’am KM,” pilya niyang pagpapakilala.
Napansin niyang nagtagis ang bagang ni Amazing Grace ngunit ngumiti ito kapagdako. Alam niya ang sayaw ng mga babaing kagaya ni Amazing Grace. Nasosora siya sa ka-cute-tan na pinapakita nito. Lihim naman siyang pinapagalitan ng mga tingin ng asawa. Ngumiti lang siya kay Paul.
Nag-usap ang dalawa na parang wala siya sa tabi ni Paul. Nagpaalam siya sa asawa na maglilibot lang na tinanguan lang siya.
Naglakad ulit siya na parang si Melanie Marquez, lumapit siya sa dagat malapit sa dalawa. Unti-unti, parang reynang hinubad niya ang kanyang roba. Salamat sa pang-FHM niyang katawan at nakuha niya ang pasulyap-sulyap na atensiyon ng asawa.
“Ang sarap ng hangin,” aniya at tinanggal ang pagkakatali ng kanyang buhok at parang modelo ng shampoo na ikiniling ang kanyang ulo. “Whew! Ang sarap naman ng hangin dito. Excited na akong maligo!”
Maglaway ka! Hindi mapuknat ang tingin sa kanya ng kanyang asawa. Nangingiting nag-stretch muna siya, parang atleta na sasabak sa track and field.
“One... two... three... whew! One... two... three... whew!” aniya habang parang baliw na nag-be-bending ng mga kamay. Nakikisayaw ang kalangitan sa kanyang maalab na adhikaing mapaibig ang kanyang asawa.
Itinampisaw niya ang mga paa sa tubig, sinasalubong ang marahang hampas ng alon. Ang buhay niya ay parang isang alon, pabalik-balik sa nakaraan, paulit-ulit na binubura ang kastilyong itinatayo. Nakakapagod ngunit hindi siya sumusuko. Patuloy mang mawala o mabura ang kasiyahang binubuo, patuloy siyang maniniwala, magpapaulit-ulit ang kanyang puso sa pananalig na darating ang totoong kasiyahan sa kanya.
Inulublob niya ang sarili sa tubig at hinayaang tangayin siya ng tubig. Hinayaan niyang buksan ang pinto sa kanyang puso. Tinanong niya ang sarili kung masaya siya? Kailangan pa ba niyang iasa ang kasiyahan sa iba para maging masaya siya? Kung hindi niya nakuha ang kasiyahan sa kanyang ama, makukuha rin kaya niya iyon sa bagong pamilya?
Naalala niya ang mukha ni Mayan, ang kasabikan nito sa maraming bagay. Si Anthony at ang misteryo sa hindi nito pagsasalita, ang mga munting haplos nito na nag-aasam ng aruga, ang mag-asawang Alicia at Domingo na binago ng panahon, at kanyang asawa na pinatigas ng batik ng nakaraan. Tinanong niya ang sarili kung kailangan niya ang mga ito. Kailangan ba ng miserable buhay niya ang mga ito? Paano siya magiging masaya?
Ipinikit niya ang mga mata ang mga mata at sumulpot sa balintataw ang kanyang inang si Jeremiah.
“Bakit ka ba nagbibigay ng regalo sa mga bata taon-taon?” tanong ng kanyang ina minsang nakahiga sila.
“Para makatulong,” sagot niya.
“Nagbibigay ka ba dahil gusto mo bigyan ka rin ng kapalit?”
“Hindi po.”
“Ngayon bakit ka nagmamahal? Bakit mahal mo ako?” tanong nito.
“Kasi Nanay kita, gusto kitang maging masaya,” sagot ng batang paslit.
“Bakit gusto mo akong maging masaya?”
“Kasi magiging masaya ako kapag masaya ka.”
“Anak, mali iyon. Gusto mong maging masaya ang buhay ng isang tao dahil masaya ka sa buhay mo. Gusto mong magmahal kasi marmaing pagmamahal ang laman nitong puso mo. Ang kasiyahan ay parang pabango iyan anak. Hindi mo maaaring ibigay iyan sa iba hangga’t hindi mo binibigyan ang sarili mo. Maaari kang maging masaya sa iba pero panandaliaan lamang iyon anak. Ang pundasyon ng kasiyahan ay nagmumula sa sarili mo. Lagi mong tatandaan iyan,” mahabang paliwanag ng kanyang ina.
“Nay, hindi ko po maintindihan,” ani KM na pitong taong gulang ng mga panahong iyon.
Tumawa ng pagak ang kanyang ina saka siya niyakap. “Hindi mo pa mauunawaan ngayon, pero balang araw, darating ang panahon na maiintindihan mo rin ito.”
Iminulat ni KM ang mga mata at parang nahahapong nakuha ang sagot sa mga tanong. Lumangoy siya papuntang dagat nang mapagtantong malayo na siya sa pampang. Nagmamadaling lumangoy siya, natatakot na baka mawala ang mga kasagutan sa kanyang isip. Ngunit gaya ng mga pelikulang napapanood niya at mga pocketbook na nababasa niya, mukhang lahat ng mga babaeng nalalayo sa pampang ay minamalas.
Dahil ramdam niya ang paninigas ang kaliwang paa at ang pag-alab ng sakit. Hindi niya maigalaw iyon at parang hinihila siya pababa. Sinubukan niyang pagaanin ang katawan at mag-float baka sakaling mawala ang sakit, ngunit mas umigting ang sakit sa kaliwang paa niya, kaya’t ikinampas niya ang mga kamay para humingi ng tulong.
Nakainom na siya ng tubig ngunit patuloy pa rin siya sa pagkampas ng kamay. Hindi na niya makita kung may paparating na tulong dahil hinihila na siya pababa ng pwersa ng tubig.
Ang kasagutan, iyong ang huling nasa isip niya bago lamunin ng kadiliman ang kanyang diwa.