Railey "Anong ginagawa mo dito?" PAPASOK pa lamang ako sa gate ng mga Lopez naharang na ako ni Kyle. Seryoso siyang naka titig sa akin habang nakikita ko ang pag kuyom ng panga niya. "Hindi ako nag punta dito para mag hanap ng ayaw, Kyle. I'm here to talk to your sister." mahinahon kong paliwanag sa kanya. Nakakunot pa rin ang noo nito habang inaarok ang katotohanan sa sinabi ko sa kanya. "I need to talk to your father also there's some—" "Ate Jazsmine is missing." Umalingaw-ngaw sa tenga ko ang huling sinabi ni Kyle sa akin. Sandaling naparalisa ang katawan ko sa sinabi niya. Halos hindi paniwalaan ng sarili kong pandinig ang kasasabi lang niya. "W-what?! What do you mean missing?!" Sigaw ko sa kanya saka ako nag tuloy tuloy na pumasok sa mansyon.

