Jazs Simula ng umalis kami ng ospital ni Railey wala akong idea kung saan niya ako dadalhin. Pero ng makita kong tinatahak namin ang daan papunta sa isang public cemetery nag simula na akong kutuban. "May gusto akong ipakilala sa'yo." nakumpirma ko ngang doon ang punta namin ng tumigil ang sasakyan. "Dito talaga? Sa s-sementeryo?" Biro ko sa kanya pero ngiti lang mula sa kanya ang natanggap ko. Inumpisahan niyang kalasin ang seatbelt niya at pagkatapos ng kanya ay yung sa akin. Mabilis siyang lumabas ng kotse saka binuksan yung pinto sa gilid ko saka niya ako inalalayan. "I can walk..." pinigil ko siya sa tangka niyang pag buhat sa akin saka lang niya ako tinitigan ng matagal. Pinilit kong ngumiti. Ayoko kasi siyang magtaka pero inalalayan pa rin niya ako sa balaka

