Railey Hindi ko kinaya ang nakita kong takot mula sa mukha ni Keira kanina. Ayokong bigyan ng kahulugan ang mga bagay-bagay pero yung reaksyon niya matapos kong ibigay yung resulta ng imbestigasyon ay kaduda-duda. "Railey!" Napakurap ako sa lakas ng sigaw sa akin na iyon. Nang lumingon ako it was just Ivo. I took a loud sigh saka ulit napatanaw sa kawalan. "What's your problem man? Ang lalim ng iniisip mo?" Tanong niya sa akin. Hindi ko lang siya pinansin. I considered Ivo as one of my allies when it comes to business. Pinayagan ko siyang maki-sosyo sa negosyo ko but since I am Railey James Cervantes, I don't see him as a friend. Well, sa lahat naman. "Alam ko na ang problema!" nalukot naman ang kilay ko sa papitik-pitik pa niyang ginawa. "Girl hun

