Ko "And love, we did not escaped death every single time so that in the end, you'd kill yourself. " ~ Hindi ko alam paano ako narito, huminga at buhay pa. Bumalik kaya si Franco upang ako'y makita o marahil hindi matagumpay ang aking paraan ng pagkitil sa aking buhay. Hindi ko kailanman malalaman sapagkat wala ring imik si Franco tungkol rito. Pagkagising ko ganito na ang aking lagay. Nakagapos sa kama na parang isang hayop na hindi ninuman kayang mapaamo. Nakahiga ako ngayon sa kama at ang mga malamig at mabigat na bakal na nakayakap sa aking magkabilang paa at sa aking kamay ang tanging pumipigil sa aking tangkain muli. Alam kong para hindi ko na muling tangkain ang aking anumang balak. "Franco!!!!!!!!!!!" "Franco!!!!! Kung hindi mo nais na mabasa ang iyong kama, pakawalan mo a

