Tila hindi ko naramdaman ang mabilis na paglapit ng aking mga tuhod sa aking dibdib sa biglaang pagbukas ng pintuan. Kanina lamang ay nakahiga ako ngunit isang iglap ay nakasandal na ang aking likuran habang mahigpit kong hinawakan ang kumot sa aking buong katawan. Walang ni isang ilaw sa silid. Walang liwanag upang makita ko ang galit sa mukha ni Franco. Ngunit sigurado ako na walang iba kundi ang patay na emosyon ng binata na naman na sa una palang na paggawi ng aking mga mata sa kanya ay agad akong nawalan ng tinig. Hindi ko makakalimutan kung paano tumitig ang mga parehong abo nitong mata, tila ako ay kinakain ng buhay. Ang maputla nitong kutis, matigas nitong mukha, ubod tangos na ilong at namumuting labi ay tila sa multo mo lamang makikita. Subalit kahit hindi ko aminin sa akin

