Amoy sigarilyo ang hininga nito na may halong...malansang amoy ng- Hindi. Bakit- Nanlaki ang mata ko nang mas rumehistro ang pamilyar na matinding amoy sa aking ilong. Ang malansang amoy ay dugo! Ito'y dugo. Sinubukan kong langhapin muli ang amoy at hindi ako nagkakamali, dugo ito ng tao. Hindi ko alam subalit tila ang aking pang-amoy ay sobrang matalas sa isang tao. Subalit bakit amoy dugo ang sundalong ito? Nang ilang minuto kaming nagkatitigan dahan-dahan nitong tinanggal ang kanyang mukha sa aking harapan. "You're blushing. I know it! You also like me!" Humakbang ito palikod. "No way in hell. " Muli'y tumindig ang aking balahibo. Hindi ko alam kung napansin nito ang aking reaksiyon subalit mabilis siyang lumayo sa akin. "Is this how you plan to avenge your wife?" "Everything

