"Wala kang balak umupo?" Tanong nito. "Sa tabi mo? Wag na lang." Isang halakhak muli ang pinakawalan nito at sa bawat minutong naririnig ko ito ay tila nahahawa na rin ako kaya lingid sa aking kaalaman ay napapangiti na lamang ako kaagad. "Ang sama mo naman. Ganyan na ba ako kabaho upang hindi mo ako lapitan?" Naramdaman ko ang pagngalay ng aking paa na nakatayo lang. Ngunit nagdalawang isip ako kung tatabi ako sa kanya. Nang biglang umupo ito at lumingon sa akin kahit hindi namin makita ang isa't isa. Subalit sa paraan ng pagtingin nito sa akin mula itaas hanggang ibaba ay parang nakikita niya ang buong kabuuan ko na biglang nagpatindig ng balahibo ko. "Ang bango mo," mahinang sabi nito bago umalis at nagpunta sa palikuran. Bago ito makapasok sa palikuran, tumalikod ito sa tanong k

