Natigil ang binata at kitang kita ni Vittoria ang paglawak ng mga abong mata nito sa nangyayari. Marahil ay hindi inasahan ng binata na magagawa ito ng dalaga dahil lamang sa desperasyon na makompirma ang kanyang hinala. Sinubukang igalaw ni Vittoria ang kanyang labing nakadampi sa binata at kasabay nito ang pagpikit ng binata. Tila tumigil ang pag-iisip nilang dalawa. At sa pagpikit ni Franco ay siyang pagmulat ng dalaga sa kanyang mga mata. Sa kasalukuyan ay hindi niya maisip kung bakit iyon ang kanyang ginawa subalit tila ito ay epektibo sapagkat lumipas na ang isang minuto. Ang pagdampi ng munting liwanag na may halong init sa buong mukha ng dalaga ay siyang dahilan upang mapapikit ng mariin si Vittoria. Ang bagong sensasyon ng pagbati ng araw sa kanyang mga inaantok na mata na k

