Vittoria Hindi ko alam kung paano ako gumising sa aking kama na kinahigaan ni 124512 kanina lamang...nang aking tangkaing patayin ito gamit ang lampara lamang, ngunit pagkagising ko ay nakakumot sa akin ang manipis kong kumot. Mabilis akong napabangon nang maalala ko ang aking katangahan. Subalit nagtaka ako, hindi ba kami lumabas kagabi? Hindi ba kami naglibot sa asilo? Natulog ba ako kaagad sa aking kinauupuan? Sino nga bang baliw ang magtatangkang pumatay gamit ang mumunting lampara sa isang sundalong sanay ng maputukan ng isang baril. Ano nga ba ang aking iniisip? Kailangan ko ng plano. Hindi maaring hindi ako makalabas rito. Hinanap ko ang presensiya ng sundalo sapagkat tila ikinubli ng mga ulap ang liwanang ng buwan. Alam kong narito pa rin siya sa aking kwarto. Subalit saang ba

