"Hindi ka talaga marunong umintindin, pinagsabihan ka na namin nuon na hiwalayan mo ang hampas lupang lalaking yun ipinilit mo parin ang gusto mo. Tingnan mo ngayon, ang nangyari inanakan ka lang ng inanakan at saka ka iniwan." Walang pakundangan hiyaw ng kanyang ina sa kanya ng malaman nitong nawawala ang asawa at hindi na umuuwi. Isang buwan ng nahigit niyang hindi nakikita ang asawa, hindi na ito umuuwi sa bahay nila. Ang pagakakaalam lang niya nung una hindi sila nagpapangabut. Dahil nasanay na siyang umaalis ito ng tulog pa siya at himbing na silang mag-iina natutulog pagumuuwi ito, sa dami ng trabahong dapat nitong gampanan. Kaya wala siyang kamalay-malay na wala na pala ang asawa. Hindi na ito umuuwi. Maging sila Carlos wala din masabi sa kanya dahil hindi na nga raw ito nagagawi s

