Chapter 3
"Joyce, I told you to help your sister!" galit na sigaw ni Mama pagpasok sa bahay ko.
Nilingon ko siya at nakita kong nagpupuyos siya sa galit habang nagmamartsa papasok dala-dala ang Gucci na bag at may dalawang bodyguards pa na nanatili lang sa pinto. Napansin ko ang mga mamahaling damit niya pero hindi ko na lang isinatinig.
"Po?" tanong ko saka siya nilapitan.
Papunta na ako sa taping ko ngayon, and here she is looking so furious.
"I told you to help your sister to get a big project!" galit na sumbat niya sa akin kaya medyo napaatras ako ng kaunti.
Her chinky eyes became more chinky because of her anger. She's in her late forties yet still has no wrinkles and her body is in good shape. The elegance in her aura is telling that she's a billionaire even when she isn't.
I sighed. "Ma—"
"Help Bree, she wants to act too."
"Ma, why don't she audition? I started in that way too. Hindi naman pwedeng hanapan ko siya kaagad ng projects. And she already has a manager, right? Anong sasabihin ng mga fans? She needs to prove herself," sabi ko kaya mas lalo siyang nagpuyos sa galit.
"Are you telling me that your sister is not good enough?!"
"No—"
"My God, Joyce, lumalaki na ang ulo mo. I can't believe it," parang disappointed na sabi niya at galit akong tinalikuran.
Pinanood ko siyang umalis ng bahay ko kasama ang mga bodyguards niya at hindi ko maipaliwanag ngayon ang sakit at disappointment na nararamdaman ko.
At a young age, I became a provider for us. My father died and I did not have a chance to see him. Mom found a new one, my Tito who's also jobless. I was so young at that time yet I am working for us. Nang mas sumikat ako ay nanganak siya kay Bree, my sister. I am working hard to give them a better life and I want them to appreciate it.
At eighteen, she told me to build my own house to practice my independence. I did, I built my own house but I am still giving them half of my salary. They have a good life because of me, because I worked hard.
Hindi ko lubusang maalala pero alam kong mahirap lang kami noon. But when I entered show business, our life changed.
Nang maging successful ako ay hindi ko sila iniwan. I want my sister to get want she wants without my help. Dahil ako noon? Binigay ko rin naman ang lahat ko. Naghirap ako para makarating sa tuktok, kung nasaan man ako ngayon.
Mom saw how I stayed up all night to memorize my script. She saw me get wounded because I am practicing almost everyday: dancing, singing and acting. She saw how I cried because the directors shouted at me. Bago ako nakarating sa tuktok ang dami nang nilampasan ko.
It's unfair. They are unfair.
I am living alone, without them, but I am still their provider. Pero parang iba ang nakikita ni Mama na siyang hindi ko na alam kung paano minsan iintindihin.
"Cut! Joyce emotions! I need emotions!" sigaw ng director kaya napa kurap-kurap ako.
"Sorry direk," mahinang sabi ko.
"Again! Take two!"
Glen smirked at me and he held me even closer to his body. "Focus Joyce," he whispered.
Malapit na kaming matapos magshoot para sa movie na 'to. Before may concert ay nagte-taping na kami kaya sabay-sabay ang ginagawa ko. Halos wala akong pahinga, at alam kong pagkatapos nito, ang dami pang nakapilang project.
"Good! Cut!"
Agad kong tinulak si Glen ng mahina na hindi napapansin ng iilan bago umalis.
"Tenzy, I'm tired," sabi ko sa manager ko nang makalapit ako.
"Artista ka, walang pagod pagod sa trabaho mo," masungit na sagot niya kaya natahimik ako.
"And Joyce, work out your abs. We need it for the next movie. Action 'yon. We need your toned body," habilin niya bago umalis.
Nanghihina akong napaupo at uminom ng maraming tubig. Nang makita ko ang lunch ay agad akong nadisappoint dahil vegetable salad ulit 'yon.
Bubuksan ko na sana ang lunch ko pero biglang nagring ang phone ko at nang makitang si Bree 'yon ay agad kong sinagot.
"Ate! Mama said that you doesn't want to help me! You are so selfish!" galit na sigaw niya sa kabilang linya kaya nilayo ko ang phone ko sa tenga ko.
"Work for it," malamig na sabi ko bago siya babaan ng tawag.
That spoiled brat kid. She's eighteen yet she's so childish. Ako sa edad na 'yon ay nakatira ng mag-isa. Mama pushed me to be independent yet she's spoiling her other daughter. What a mother.
Ilang saglit lang ay si Mama na naman ang tumawag kaya sinagot ko rin 'yon. Akala ko tungkol ulit kay Bree pero iba na.
"Joyce! My account is empty!" madiing sabi niya sa kabilang kinya na parang pinipigilan ang sariling sumigaw.
Narinig ko pa sa kabilang linya na parang maraming taong nag-iingay. She's probably in the mall now with her social climber friends.
"Ma—"
"What? I am with my friends at ano? Wala akong pambayad!"
I sighed. "Ma—"
"I need my money now!" pigil sigaw na sabi niya.
"Fine, how much?" tanong ko.
"How much?! Joyce, I am your mother!"
"Fine," sabi ko kaya binabaan niya ako ng tawag.
Nagtransfer ako sa bank account niya ng pera na palagi ko namang ginagawa. Sa sobrang pagpapanggap niya na bilyonaryo siya minsan nakakalimutan niya na ako ang nagtatrabaho para sa kanila. She's acting like she's the one who earns the money she spends every time.
I sighed and let the problem vanish into thin air.
I felt so tired the whole day. Pero hating gabi na bumabyahe pa rin kami papuntang tagaytay. We need to shoot at exactly three in the morning in one of the spots there. Kailangan naming habulin ang oras.
I took a five minutes nap at pagkamulat ko ay nasa set na kaagad kami. Ako lang ang artistang nandito kasi ako lang naman ang kukunan dito. We are all tired, the staffs are all tired but we are still working.
Sinenyasan ako ng direktor kung okay na at agad naman akong tumayo kahit antok at pagod na ako Para lang matapos na ‘to.
Nagtagal ang taping namin doon ng mga ilang oras rin kasi mahaba-haba tapos nakailang ulit pa. So nakauwi kami ng mga alas singko na. Hindi na ako umuwi kasi kailangan na ako sa next na set. Isa ako sa unang naka line up. Kung iisipin ay wala akong tulog, wala talaga.
"Ma'am bibili lang po muna ako ng kape niyo," sabi ni Aira pagkarating namin sa set.
"Yes please," sabi ko bago pumasok sa dressing room na para sa akin.
I took a shower in my dressing room. We are in a high end hotel. Dahil ang characters namin ay mga mayayaman pareho. They met in a party and they began to go out after that. At ngayon iso-shoot namin ang kissing scene. Hindi pa bed scene. Kissing scene sa pool nitong hotel muna ang gagawin namin.
And after that we'll shoot in a room. Hindi pa bed scene. Just a wild kiss. Bandang huli rin kasi ng movie and bed scene. But the whole movie is composed of a lot of kissing scenes. Typical romance movie that most teens and young adults enjoy nowadays.
"Pwede bang tanggalin na lang ang contact lens? Ang sakit na ng mata ko," reklamo ko sa make up artist. I've been wearing contact lenses since yesterday.
"No, ang lamlam ng mga mata mo. We need a strong eyes," sagot niya kaya napabuntong hininga nalang ako.
Sabay kaming pumunta sa pool nitong hotel habang nakarobe lang ako, I have a two piece inside. Agad kong nakita si Glen kaya napangiwi ako. He's just wearing his board shorts. Hindi medyo halata ang abs niya kasi lean siya.
"Hey," malambing na bati niya niya nang makalapit ako. Hinayaan ko nalang siyang hapitin ako sa bewang kasi marami ang nanonood.
"Cut!"
Napabuntong hininga ako ng kami na ang sunod.
"Ma'am," sabi ni Aira bago kunin ang suot kong robe. I also applied a small amount of tan lotion.
Naunang pumunta sa tubig sa Glen habang ako nire-retouch pa. Todo instruction naman ang direktor na tinatanguan ko lang.
"We need lust! Gusto kong makita ang kagustuhan niyo sa isa't-isa. Let the heat live in your body."
Napalunok ako bago dahan-dahan naglakad palapit sa pool kung nasaan si Glen.
I am an elegant and rich woman in this movie. Naupo ako saglit sa side ng pool habang umiinom ng juice. Nang makita ko ang character ni Glen ay ngumiti ako ng matamis sabay tayo. Siya naman ngayon ang dahan-dahang naglalakad papunta sa akin na parang nang-aakit.
In one swift move, we are both in the water. Malapit sa isa't-isa ang katawan. I could feel how hot Glen's body is but mine is so cold. Hindi ako makaramdam ng init, I am not seduced.
"Cut! Joyce! I can't see your seductive face! Take two!"
Napangisi si Glen kaya napaiwas ako sa tingin niya. Napatingin ako sa hindi kalayuan at agad akong nawalan ng balanse kasi nakita ko ang pamilyar na lalaking may kausap pero dito dumideretso ang mga mata. Habang hinahalikan ako ni Glen sa leeg ay sa kanya ako nakatingin.
The f*cking Aizen is now in his business suit. Watching me.
Naitulak ko si Glen kahit wala naman 'yon sa script kasi pakiramdam ko 'yon ang tamang gawin.
"Hey—"
"Cut! Joyce! What's wrong!" inis na sabi ng direktor kaya mas lalo akong kinabahan.
Napatingin ulit ako sa pwesto ni Aizen at ganoon pa rin siya. He's with an old man.
Napabuntong hininga ako bago iniwas ang tingin ko sa kaniya.
"Sorry direk," mahinang sabi ko.
Sa sunod na take ay nanginginig ang buong katawan ko sa haplos ng mga labi ni Glen. Hindi dahil naaapektuhan ako kung hindi dahil pakiramdam ko may mali.
"Cut! I need romance!"
Nanlaki ang mga mata ko saka napatingin ulit sa pwesto ni Aizen Santibañez. Nakatayo na siya ngayon habang nakahalukipkip na parang interesadong-interesado siya sa panonood sa amin.
"Joyce what's wrong?" sabi ng direktor na lumapit na.
"Para kang kinabahan na ewan. May problema ba? Naiilang ka kay Glen?"
Sunod-sunod akong umiling saka napatikhim. "Sorry, sorry."
"We need it done Joyce. Show me your talent," sabi ng direktor bago bumalik sa pwesto nito.
"Someone's affected," mapanuyang sabi ni Glen, akala niya siguro siya ang dahilan kung bakit hindi ako makapag concentrate pero binalewala ko na lang iyon dahil ayaw ko nang mag-isip pw ng kung ano-ano.
Sa sunod na take, pinikit ko nalang ang mga mata ko ng mariin habang hinalikan ako ng Glen sa leeg.
A memory flashed in my mind. My first s*x in Hong Kong with the business tycoon, Aizen Santibañez. The way his soft lips tasted every part of my body that time. I way I moaned because of the sensation.
Agad kong naitulak ulit si Glen kaya napaawang ang labi niya. Nanlalaki ang mga mata kong sumulyap kung nasaan ang lalaking inaalala ko habang nasa gitna ako ng pag-arte. Madilim ang mga mata niyang nakatuon sa kinakausap. Napalunok ako sa kaba at lalo akong nanlamig.
Para akong malulunod kasi nanginginig ang dalawang binti ko. Isang sulyap ang ginawad niya sa akin kaya mas lalo akong namroblema.
"Joyce! Two of you, come here!" galit na sigaw ng direktor kaya hindi ako magkamayaw sa paglalakad paalis ng pool, palayo kay Glen. Agad akong inabutan ni Aira ng robe na sinuot ko naman sa nanginginig kong katawan.
"Anong problema niyong dalawa? Joyce? Halata ang pagkawala sa sarili mo."
I swallowed because I know that I am at fault.
"Oh my, that's Bianca's brother right? Businessman? He's hotter than Clark," parang nagpantig ang tainga ko sa narinig sa mga babaeng artistang nandito rin, pero hindi ako lumingon. I tried so hard to focus. I need to focus!
"Sorry po," sabi ko sa direkto.
"Joyce, you are losing it. I need tha Joyce I worked with before. The strong one with passion," banta ng direktor bago kami pinabalik.
Pilit kong nilagay sa focus ang utak ko. Hindi ako tumingin sa ibang direksyon para magawa na ng maayos ang scene na 'to. Nilalabanan ko ang kagustuhang mapatingin sa direksyon na 'yon at masaya akong nagawa ko kahit paano.
"Cut! That's how I wanted!" masayang sabi ng direktor kaya agad kong tinulak si Glen at nagmamadaling umahon.
Patago kong pinunasan ang labi kong nakipaghalikan kay Glen habang sunod-sunod ang paghinga ng malalim. Sobra akong kinakabahan ngayon at hindi ko alam kung bakit.
"Aira," tawag ko sa PA sabay hingi ng wipes.
"Good job," nakangiting sabi ulit ng direktor.
Sabay naming pinanood ang final take. Nanlaki ang mga mata ko kung gaano ka laswa ang itsura ko sa screen.
"Very good! Finally, you are out of your comfort zone!" sabi ni direk.
Wala sa sariling napatingin ulit ako kung nasaan sina Aizen kanina pero naabutan ko nalang na naglalakad na sila papaalis.
"That's Aizen, right? Damn, he's a Greek god," bulong ulit ng mga artistang nasa likod ko kaya pati direktor namin ay napatingin rin sa kanila.
"What? Mr. Santibañez is here?" tanong niya rin na parang nagningning ang mga mata.
Our direktor is a woman in her mid thirties. Single and I thought she's a lesbian but the way her eyes sparkled after hearing Aizen's name changed my mind.
Napatingin rin tuloy ako sa pintong nilabasan niya saka mariin na napalunok. So he got this effect with everybody?
"Ma'am, may nagpapabigay po," biglang sabi ni Aira sabay bigay sa akin ng isang pares na hikaw.
Nanlaki ang mga mata ng maalala na ito 'yong hikaw na gamit noong nagpunta ako sa Hong Kong. Ha? Saan galing?
Hindi ko alam.
"Kanino?" kinakabahang tanong ko kahit may ideya na ako.
"Sa lalaking gwapo po, basta ang pogi," humagikgik pa si Aira kaya tumalim ang tingin ko sa kanya.
Napahagikgik lang siya lalo kaya napakunot ang noo ko.
"Sa labas po, noong bumili ako ng fruit shake niyo. Hindi ko kilala pero parang pamilyar. Sabi niya ibigay daw po sa inyo," sabi ni Aira.
Kinakabahan kong tinago ang hikaw. Hindi ko napansin na nahulog. He gave me my necklace, bakit hindi niya sinabay ang hikaw?
"Ma'am, medyo kamukha niya si Ma'am Bianca—"
"Shut up!" Inis na sabi ko.