NAKAKUYOM ng madiin ang kamao ni Tad matapos niyang marinig ang pag-amin ng tatlong doctor na nasa harapan niya. Noong una ay wala pang sinasabi ang mga ito at pilit na pinagtatakpan ang sinasabi niya, pero ng wala siyang choice kundi takutin ang mga ito ay wala itong mga nagawa kundi aminin ang lahat, kasama ang plano ni Doc. Monreal laban sa kaniya upang mapabagsak siya. Ang tatlong doctor na nasa harapan niya ay nalaman niya din na nagperform ng malpractice na hindi rin nakaabot sa kaniya, humihingi ng tawad ang mga ito pero dahil inosenteng buhay ang ginamit ng mga ito upang matulungan si Doc. Monreal ay pinaalis na niya ito bilang doktor ng ospital at sinabi ni Tad sa mga ito na walang kahit na ospital ang tatanggap sa mga ito. Na-record ni Tad ang mga pag-amin ng tatlo kaya pinadala

