“Pag kayo tinamaan ng pana ng batang may lampin na ‘yun at nabaliw kayo sa pag-ibig pagtatawanan ko pa kayo mga gago!” asar na ani ni Travis sa kanilang lahat matapos nilang pagkatuwaan ito dahil sa nakikita nilang hulog na hulog ang puso ng kaibigan nila sa secretary nito. Pinagkakatuwaan nina Tad si Travis dahil sa pagkahumaling nito sa babaeng nagpatibok ng puso, pero kahit binubuwisit nila ito ay lihim silang masaya para sa isa na namang Phantoms na nabiktima ni kupido. Apat na sa mga kaibigan nila ang nabaliw sa pag-ibig, at isa sa kanila ay nabago ng pag-ibig ng biglang mawala ng parang bula ang babaeng mahal nito. Sa mga naobserba ni Tad sa mga kaibigan niyang nagmahal ay todo at hindi nagre-reserba ang mga ito para sa sarili nila, lahat ng meron sila ay ibinibigay ng mga ito sa ba

