KAKATAPOS lang ni Shan sa kaniyang training, puro gasgas at pasa ang binti at braso ninya dahil naging mabigat ang pagte-training na ginagawa niya. Bata palang si Shan hanggang sa edad niya ngayon na Disisiete anyos ay batak na ang katawan niya sa mga mahihirap at mapanganib na training na pinapagawa sa kaniya ng kaniyang ama. Ngayon, siya lang ang mag-isang nag-eensayo sa malawak na field ng kanilang headquarters, wala ang kaniyang ama dahil nagkukulong na naman ito sa dojo na paborito ng nakakatanda niyang kapatid na namatay pitong taong gulang palang si Shan. Nakikita niya na sa tatlong taon na lumipas ay mahal na mahal ng kaniyanga ama ang kaninyang ate, at sa mura niyang edad nasanay na si Shan sa kakarampot na pagtingin na binibigay ng kaniyang ama. Hinihingal si Shan sa kaniyang k

