PAGULONG na bumagsak ang assassin na kalaban ni Lu sa sahig habang nabalian ni LAY ng kanang kamay ang kaniyang kalaban na napapamurang paatras na napaupo sa sahig. Nang magsimula ang laban nina Lu sa dalawang assassin ay sa umpisa ay parehas tinatatsa ni Lu ata LAY ang kakayahan ng dalawa kaya hindi maiwasan na natatamaan sila ng mga pagsugod ng mga ito. Nakatamo ng sugat sa kaliwang kilay ni Lu na bahagyang dumugo at si LAY naman ay may daplis sa kanang braso nito dahil sa katana ng kalaban niya. Hindi pangkaraniwang kalaban ang dalawang assassin na kaharap nila kaya kailangan nilang maging pamilyar sa kung paano lumaban ang mga ito, mga kilos at galawan. At dahil parehas ng ginawa sina Lu at LAY ay agad din namang nakuha nina Paxton ang gustong mangyari ng dalawa kaya nagpapatama ang m

