MALALIM NA ANG GABI pero napagka-isahan nina Balance na maglaro ng baraha upang hindi sila maboring, si Sergio ang nautusan nila para makab ili ng baraha na gagamitin nila. Ilang oras din ang nagdaan simula ng lumabas si Sergio kaya nag-uusap nalang muna sina Balance habang naghihintay, nakikipag kwentuhan si Shin sa mga ito habang si Shun ay tahimik na nakahiga sa kama nito. Si Shan naman ay nakahiga lang din sa kama at natutulog, nasa tabi niya si Tad at wala silang pakielam kahit nakikita sila nina Devil na magkatabi sa higaan. “Han hindi ka man lang nagpapasintabi sa amin, alam mo naman na namimiss namin ang mga asawa namin sa ganitong oras tapos gumaganiyan kang style sa binibini mo. Baka gusto mo kaming damayan dito.”ngiting kumentong ani Ford kay Tad na tinaasan lang nito ang kana

