KALAHATING BUWAN ang lumipas ng huling makita ni Tad si Shan, sumasakit na ang ulo niya at hindi siya makapag isip ng tama kakaisip kung saan niya makikita si Shan at ang kambal. Hindi na siya makapag trabaho ng maayos sa ospital niya dahil walang ibang laman ang isipan niya kundi si Shan at kung saan niya ito makikita. Ayaw isipin ni Tad na tuluyang nawala si Shan dahil sa galit na pinakita niya dito, dahil sa pananakit niya dito dahil sa naging galit niya ng malaman niya ang pagkatao nito. Natatakot si Tad na baka hindi na niya makita si Shan dahil kahit anong paghahanap niya, katulong ang Phantoms walang Shan silang nakikita at malaki na ang epekto ng pagkawala ni Shan ng kalahating buwan kay Tad. Kalahating buwan na din na sinisisi ni Tad ang kaniyang sarili, pakiramdam niya baka na

