“Please call me immediately kapag sumakit po ang ulo ni Sophia.” “Jarred, for how many times you’d said that already? It’s been two weeks since Sophia was discharged at lagi namang kinukumusta ng kaniyang doktor. Please, mag-focus ka na lamang sa gathering na dadaluhan mo.” “May dalawang oras pa naman po bago ang event.” Kung hindi lang talaga na isa siya sa mga inatasan ng kanilang head surgeon na dumalo sa event na iyon, hindi niya iiwan ang anak. Ang kaso’y event kasi iyon kung saan ay ipinapakilala sa Asya ang pinaka-latest heart transplant technology kung saan ay dadalo ang mga naglalakihang tao sa iba’t-ibang panig ng mundo. Hindi siya cardio-surgeon pero dahil personal siyang sinabihan ng kanilang head, kailangan niyang magpunta. Inilingan na lamang ng ama si Jarred. Kung gani

