May talim ang mga mata ng dalaga habang bumababa ng Falcon. Taliwas sa sinabi niya kanina kay Jarred ay nauna nang pumunta si Pascal sa lugar na sinabi sa kaniya ni Giovani nang tumawag ito. Napag-alaman niya ring naroon na si Cedrick at tanging siya na lang ang kulang. Nang hinanap ni Jarred si Pascal, mukhang nagdadalawang-isip pa itong paalisin siya ng mag-isa pero wala din itong nagawa. “Sasamahan kitang bumalik ng Manila. I can call a friend who has a private plane to fetch us.” “It’s okay, Jarred. May susundo sa akin in less than an hour.” “Ng ganitong oras? Thea, it’s almost 12 in the midnight.” May pagkamanghang ani ng lalaki. “The organization has a private jet plane, Jarred. Iyon ang susundo sa’kin. Now, please go at samahan mo na si Sophia. Baka magising na ang bata at wala

