Tahimik lang na nakamasid si Jarred sa babaeng payapang nakahiga sa kama. Sa isang guest room sa bahay ng kaniyang mga magulang dinala ang dalaga. Kasalukuyan itong mahimbing na natutulog matapos niyang magamot ang malalim nitong pagkakasaksak. He needs to pull some strings in order for him to make sure na walang tinamaang organs ang pagkakadale dito. She was under sedatives for more than 48 hours now.
Malalim siyang napahugot ng hininga. Sa lumipas na mga taong hindi niya ito nakita, mababakas ang malaking pagbabago nito kumpara sa una niya itong nakilala sampung taon na ang nakalipas. Mula sa malambing at palangiti nitong anyo noon, napalitan na ito ng matigas at walang emosyong damdamin. Higit sa lahat, hindi niya aakalaing masasangkot ito sa mga panganib na pupusta siya, mukhang sanay na ang dalaga. Madaming dugo ang nawala kay Astra at aaminin niya, hindi maipaliwanag ang takot na kaniyang naramdaman. Kanina, nang makita niya itong halos wala ng malay ay halos lumabas din ang kaniyang puso sa tindi ng pangamba
Pinilit niyang mag-focus sa ginawang panggagamot dito. She was really in a critical state. Mabuti na lamang at may mga kakilala siyang tao na nakatulong sa kaniyang mairaos ang mga kakailanganin para masagip ang buhay nito. Inaamin niyang humahanga siya sa lakas ng loob ng babae, ramdam niyang lumalaban ito para mabuhay.
What happened to you, Thea?
Napapikit si Jarred and for the Nth time, muli niyang kinastigo ang sarili dahil sa pamilyar na damdaming unti-unti na naman niyang nararamdaman. She's still the same woman he used to adore. Her scent, her gentle face na mas lalo lamang gumanda dahil sa maturity nito. She looks like an angel habang natutulog, hindi mo aakalaing kayang-kaya nitong humarap sa mga panganib na kinasangkutan.
But he is firm not to be indulged with the feeling. He must distance now lalo pa’t napatunayan na niya kung paano siya napaikot ng damdamin niya dito noon. It’s not going to happen again.
Natuon ang pansin niya sa mahinang paglangitgngit ng pinto ng kuwarto. Agad niyang nakita ang pagpasok ng ama. Deretso ang mga titig nito sa nakahigang pasyente habang lumalapit sa kaniyang kinatatayuan.
"How is she?"
"She's still unconscious,” tiim-bagang nakatuon kay Astra ang mga mata ni Jarred. “But nothing to worry, since her vitals are already stable."
Tumango-tango ang abogado bago sumulyap sa kaniya.
"Utang namin sa kaniya ang mga buhay namin, Jarred. Hindi siya nagdalawang-isip na iligtas kami sa mga hostage takers na iyon,” tumikhim sandali ang kaniyang ama bago nagpatuloy.
“I remember Sophia calling her Tita Thea. Is she the real one?"
Hindi kaagad nakapagsalita si Jarred. With what is happening right now at sa matagal na ring pananahimik ng kaniyang mga magulang matapos na hindi siya pinilit ng mga itong magsalita nang malaman ang mga nagawa ni Chloe, alam niyang karapatan ng mga magulang na malaman kung sino talaga ang kanilang bisita c*m pasyente.
"She really looks like Chloe. Or must I rather say..,” his father trailed, “Siya ang totoong Thea Astra, hindi ba?”
Saglit na dumaan sa kaniyang imahinasyon ang araw kung saan sinabi sa kaniya ni Chloe ang totoo nitong pangalan. Dahan-dahan siyang tumango bilang pagsang-ayon.
"She is her, dad."
Tipid na napatango si Art.
“Fate must have been doing its task dahil nagawa nitong pagtagpuin kayong muli. Pero bakit –,”
“She doesn't even recognize me,” siya na ang tumapos sa nais sabihin ng ama.
“Ibang-iba siya, Dad.” His father can sense the emptiness in his voice.
Marahan siya nitong tinapik sa balikat.
"Magpahinga ka na muna, anak. Saka mo na isipin ang mga susunod na mangyayari. But one thing is for sure, you need to talk. Mag-usap kayong dalawa at nang maliwanagan kayo sa kung ano ang totoong nangyari."
Jarred just shrugged his shoulders. Malamig itong tumugon.
"There’s no need for that, Dad. I don't intend to be attached to her again. I won't let her manipulate me again. She will leave as soon maging okay na ang kaniyang pakiramdam."
Buo na ang kaniyang pasya. Sisiguraduhin niyang puputulin na niya kaagad ang kung anumang damdamin ang muling nabubuhay dito. He will dismiss her in his life at hindi hahayaang makalapit sa kaniyang anak na alam niyang unti-unting napapalapit ang loob sa babae.
You will not ruin me again, Thea Astra. It's not going to happen.
-------------------------------------------------
Mahihinang mga anas ng boses ang nagpagising sa kaniyang diwa. Mula sa pamilyar na mukha ng babae ay dumako sa kausap nitong lalaki ang kaniyang paningin.
Where am I?
Unti-unti niyang ginalaw ang buong katawan para maiangat sana ito pero nabigo lamang siya sa kaniyang tangka. To her dismay, she can’t move without feeling the extreme pain in her right lower back. Nakatagilid siyang nakahiga sa kama ngayon at nararamdaman na niya ang pangangawit ng buong katawan. She needs to change her position. Dahan-dahan at pilit niyang ininda ang sakit para maigalaw ang kaniyang kabuuan.
When finally, she had almost settled herself, unti-unti niyang ibinalik sa mga kasama sa loob ng kuwarto ang kaniyang tingin. Agad niyang nakita ang dalawang pares ng mga matang tahimik lamang na nakamasid sa kaniya. Nasa paanan ng kaniyang hinihigaang kama ang lalaking hinostage at ang babaeng sa tantiya niya ay maybahay nito, ay agad ding lumapit sa kaniya ng nakangiti.
"Iha, salamat at gising ka na. Ano’ng nararamdaman mo sa ngayon?" Agad siya nitong inalalayan para hanapin ang komportable niyang posisyon. Daha-dahan siya nitong tinulungan sa pag-upo nang hindi nasasagi ang kaniyang sugat sa likod.
Sinubukan niyang gumalaw ulit pero agad din siyang napangiwi. Frustrated na napapikit si Astra kasabay ng paghinga ng malalim.
“How long I’ve been here?” Namamaos niyang tanong sa ginang.
Hindi muna siya nito sinagot. Bagkus ay may pag-aalalang inabutan muna siya ng kalahating baso ng tubig. Inalalayan din siya nitong makainom.
"Huwag ka munang masyadong gumalaw, iha. Medyo malalim ang iyong sugat. Marami ding dugo ang nawala sa'yo." Ani ng matandang lalaki. Tipid siyang tumango dito. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng silid.
"Where am I? How long I’ve been here?"
Inabot ng babae ang kamay niyang may dextrose at naluluha itong nagsalita.
"Nandito ka sa aming tahanan, iha. Ako nga pala si Zenaida Laurente at siya naman ang aking esposo, si Art Laurente. Iniligtas mo kami kasama ang iba pang hinostage two days ago. Utang namin sa iyo ang aming mga buhay lalo na ang aming apo."
Hindi maapuhap ni Astra ang kaniyang sasabihin. Dalawang araw na siyang walang malay? Phone. She needs to call Pascal and Giovanni. Tiyak na hinihintay ng mga ito ang kaniyang tawag. She cleared her throat.
“Kung hindi ka dumating, baka kung ano na ang nangyari sa amin. Maraming salamat sa pagligtas mo sa amin, iha.”
“Huwag niyo na pong alalahanin iyon, Ma’am.” Ayaw niyang isipin ng mga itong isa siyang hero dahil sa pagsagip niya sa buhay ng mga ito. Why she’d let them think of it kung siya ang tangkang patayin ng mga salarin at tumakbo lamang ang mga ito sa lugar na iyon para makaligtas sa kaniya?
"Talaga pong hinahabol ko po sila."
Kumunot ang noo ni Zenaida at dahan-dahang nawala ang ngiti sa labi. Bahagya pang umawang ang bibig nito na tila hindi makapaniwala sa narinig.
"H-hinahabol? Bakit mo sila hinahabol?"
“Ahm, kasi po..”
“A, Mahal,” agad inagaw ni Art ang eksena. Makahulugan itong sumulyap sa kaniya bago hinawakan sa magkabilang balikat ang asawa.
“Don’t you think our guest here needs more rest? Saka na lang tayo makipagkuwentuhan sa kaniya, right..,” he trailed to ask her name.
“Astra. T-Thea Astra Lazirri po ang aking pangalan.”
Nakita niyang saglit na natigilan si Zenaida. Pumungay ang mga mata nito ng ilang saglit pagkatapos noon ay tila pinilit na muling mangiti. She is sure, may kakaibang lungkot ang namayani sa ginang nang marinig ang kaniyang sinabi.
"Bakit po?"
"A, w-wala iha, may bigla lamang akong naalala. Kailangan mo talagang magpahinga muna ng maayos, anak."
Astra gulped. Uminit ang kaniyang puso dahil sa pagtawag na anak sa kaniya ng ginang.
Muling napasulyap si Astra sa abogado. Nakakaunawang tumango din ito sa kaniya at ngumiti. Tila nakahanap siya ng kakampi kung paano maipapaliwanag ang kaniyang isasagot kay Zenaida sakaling hindi nito inagaw ang atensiyon ng misis. She can’t just simply tell them na hinahabol niya ang mga kalaban para patayin.
"Zenny, Mahal. I think, kailangan pang magpahinga ng ating panauhin. Saka na lang natin siya ulit kausapin."
Nakakaunawang tumango naman ang ginang.
“Pasensiya ka na sa akin, Thea. Kung may kailangan ka, huwag ka sanang mag-atubiling ipaalam sa amin. Lalabas muna kami at nang ika’y makapagpahinga at mabilis na maka-recover.”
“Ahm, as a matter of fact, I’d like to make a call to somebody,” hindi na siya nag-atubiling magsabi.
“Here, you can use mine,” agad iniabot sa kaniya ni Mr. Laurente ang iPhone nito. Hindi niya napigilang madama ang mabining haplos sa kaniyang puso. Unang kita niya pa lang sa mag-asawa'y alam niyang mababait ang mga ito.
“Salamat ho.”
"Walang kaso, Thea. Ikinagagalak ka naming makilala at muli’y maraming salamat sa iyong katapangan. Nababatid din naming ang aming apo'y tila malapit sa iyo. Kamukha mo kasi ang yumao niyang ina."
"I'm sorry to hear that."
“Nagkakilala po kami ng apo ninyo bago ang mga nangyari. Kasama niya noon ang isang Jarred?” Ang supladong mukha ng lalaki ay agad dumaan sa kaniyang imahinasyon kung kaya’t hindi niya naiwasan ang magsalubong ang dalawang kilay sa inis nang maalala ang huli nilang pag-uusap. Natawa naman si Zenaida.
“Oh, he’s her father. Anak namin s Jarred. Siya din ang gumamot sa iyo. Isa siyang doktor.”
Jarred. She’s not sure pero parang nakilala na niya ito.
Dahan-dahang lumagitngit ang pintuan ng kuwarto. Sabay pa silang tatlo na napatingin doon. Isang nakangiting Sophia ang pumasok. Her brownish hair was divided into two and braided. She's carrying a teddy bear just like the one with Mr. Bean. Sa likod nito ay ang seryosong mukha ni Jarred. Saglit na natuon ang mga mata ni Astra dito pero agad ding ibinalik sa bata nang matanto ang tila naiirita nitong sulyap.
"You're awake, Tita Thea!" Sophia’s smile gleamed. Mabilis itong lumapit sa kaniya at tumunghay gamit ang upuang inakyat na nasa gilid ng kama. Sophia held her hand at kaagad naman niya itong nginitian.
“Careful, Sophia.” Paalala ng lolo nito. The kid nodded to the old man then asked her.
"How are you feeling, Tita Thea?"
“Okay naman. How about you?”
"Lalabas muna kami ng mommy mo, Jarred," bahagya iyong narinig ni Astra. Nakita niya ang tila malamig na pagtango ng doktor dito bago muling ibinalik ang tingin sa bata.
"Make sure you'll take care of her, Anak," ani ng ginang pero hindi ito sumagot.
"Jarred -,"
"I will, Mom. Ako na po'ng bahala," salubong na ang kilay nito.
Napaismid ang dalaga. Naaasar siyang tiningnan ng masama si Jarred na hindi man lang nagreact sa kaniyang ginawa. Hindi maiwasan ni Astra ang mapaisip. Mukhang hindi yata nito nagustuhan ang ginawang pagtulong sa kaniya ng mga magulang nito?
Well, poor him. Dahil nagawa pa ng mag-asawang siya ang gumamot dito.
Bumalik kay Sophia ang atensyon ni Astra nang muli siya nitong tinanong. She genuinely smiled.
"Hindi ka ba natakot sa mga bad guys?"
Maliksing umiling ang bata.
"Konti lang po kasi dumating na po kayo. You are my Wonder Woman. When I grow up, I just wanna be like you, Tita Thea!"
Nawala ang mga ngiti sa labi ni Astra. Biglang hindi niya makayang tumingin ng tuwid sa bata.
No, you can't be like me, kid. I am just like a fallen angel na walang awang pumapatay.
Napatingin siya sa kaniyang mga kamay. Those hands that were able to execute hundreds of people sa loob ng higit limang tao. Iba't ibang dugo at lahi, those were countless already.
Nakarinig siya ng pagtikhim. When Astra raised her head, nakita niyang nasa harapan na niya ang lalaki ngunit ang mga mata'y nasa anak nito.
"Why don't you go to Grannie first and help her fix our guest's food, Sophia." Napakasuyo ng boses nito na animo’y hindi mababakas ang lamig sa mga titig nito kanina-kanina lamang. Pumalakpak ang bata kasabay ng maliksi nitong paglingon sa kaniya.
"I will take care of you, Tita Thea. I'll be back soon, ako po ang nurse niyo while you are healing. I will bring your favorite ice cream flavor, too." Then she hurriedly kissed her again before storming away.
There was a moment of silence when the door was totally closed.
“I need to call someone, if you can please just leave?”
Nagsalpukan ang mga kilay ng lalaki. Hindi napigilan ni Jarred ang makadama ng inis sa pagiging bossy ng babae.
She can feel the irritating looks of this handsome and arrogant doctor na kung pwede lang siyang sipain palabas ng silid na iyon ay ginawa na nito.
“Well, thank you! I should be hearing it to you pero mukhang wala kang pakiramdam at manners," nang-aasar na sambit ni Jarred pero matalim lang siyang inirapan ng dalaga.
Bago pa man siya makapag-rebut, mabilis na itong tumalikod at pabagsak na isinarado ang pinto ng silid.