“Yeah, I’m sorry. Let’s just meet in the airport, Melissa.” “Sasama si Attorney? Akala ko ba hindi kayo?” “Ma.” Jarred groaned. “Hindi naman po kami talaga. Gusto lang sumabay noong tao.” “Ah, talaga Jarred? Sige, bahala ka. This will only lose your chance with her.” Sinundan ng nagtatakang mga tingin ni Jarred ang nagtataray na ina. He’s aware na hindi ito boto kay Melissa na maging girlfriend niya kahit sinasabi naman nitong siya pa rin ang makakapagdesisyon kung gusto na niyang mag-asawa ulit. Kahit pa despite him being honest to the lawyer na hindi niya kayang suklian ang pagtinging ibinibigay nito, madalas pa rin itong pumupunta sa kaniyang condo. At aminado siyang hindi iyon nagustuhan ng ina, pero tahimik lang ito sa kaniya. At ngayon ngang nakisabay pa ang dalagang abogada sa

