A-ano’ng sinabi mo?” Nanghihina ang boses ni Jarred bagama’t kitang-kita sa mukha nito ang pagpipigil na sumabog. “May a-anak tayo. Jarred. Si N-Nathaniel. Anak mo si Nathaniel.” “Kaya mo pa ba?” Iyon ang pumukaw sa diwa ni Astra. Tahimik lamang siyang nakaupo sa isang puwesto kung saan ay nakatalikod siya sa dalawang taong bagama’t nag-uusap ng may kontrol, hindi pa rin nakalampas sa kaniya ang pinag-uusapan. Inabot niya ang baso ng apple juice sa kaniyang harapan. Malalim ang kaniyang iniisip pero muling iyong nagambala nang marinig niya ang boses ni Alyanna. “Tinanong mo’ko noon kung may nangyari ba sa atin,” mapait ang boses ng babaeng kasama nito. Bahagya niya pang arinig ang panginginig ng boses nito, tila umiiyak. “Sobrang sakit, Jarred. Dahil kahit man lang iyon, hindi mo naga

