Chapter 40 Matapos masiyahan sa pagkuha ng maraming larawan nagkasundo ng bumalik sa kanilang inookupang kwarto ang grupo. Nasa labas pa lamang sila ay naamoy na nila ang nilulutong sopas nila Po2 Dennis at Po1 Martin. “Mukhang nakahanap kayo ng mahusay na chef ah, dito palang sa labas ay nangangamoy na ang bango ng niluluto ginutom tuloy ako,” komento ni Jen na hinimas pa ang tiyan. Dumiretso sa kusina si Tatay Delfin at Nanay Lita para kumustahin ang pagluluto nina Dennis at Martin. “Ayos lang ba kayo dito mukhang masarap ang niluluto ninyo ah, sa labas palang ay nangangamoy na ginutom tuloy si Ma’am Jen,” nakangiting puna ni Nanay Lita. “Naku Nanay Lita ang totoo po niyan ay first time naming nagluto ni Martin ng sopas kaya kung anumanang kalabasan ng lasa ay pagtiyagaan ninyo po s

