Chapter 55 Pagdating sa gawing itaas ng lugar ay makikita na na sa gilid ng kalsada ang ilang mga kainan na unti unting ng dumarami marahil ay nakikilala na rin ang lugar na isang magandang pasyalan lalo na sa mga tao na nature lover. “Ang mabuti pa ay kumainna muna tayo saan kaya masarap ang putahe dito?” tanong ni Martin. “Sa Stony Cliff Nature View and Food may mga silog silang sineserve saka pwede kang mag papicture sa view deck nila nila,” suhestiyon ni Dianne. “Tara doon na lang tayo pero after natin kumain puntahan natin yung El Pobre Tanawan gusto kong magpapicture sa malaking sawa nila,” hirit ni Martin. Hindi na tumanggi ang mga kasama ni Martin na noon ay nagsimula ng maglakad papasok sa Stony Cliff View and Food humanap ng mapupuwestuhan at ng malaman na may kubo sa gawing

