Chapter 13 Pagbalik sa presinto ay inabutan ni PO1 Martin at PO2 Dennis na medyo nagkakagulo sa loob at nahihirapang awatin ang babaeng nagwawala sa loob nang makita siya ni PO1 Pascual ay tila humihingi ng saklolo ang tinging ipinukol nito. “Kung ganyan kayo kikilos sa loob ng presinto ay baka una naming kayong kasuhan ng alarming scandal hindi maayos ang kasong inerereklamo ninyo kung hindi ninyo magagawang mag pakahinahon habang isinasagawa ang imbestigasyon,” malakas na tinig ni PO2 Dennis Macaraig ang nagpalingon sa babaeng kanina lang ay putak ng putak sa kaharap maging sa mga pulis na umaawat. Ang boses na iyon ni Dennis ay puno ng otoridad kung kaya’t ang kaninang parang tigreng babae na gustong manlapa ay naging maamong tupa at nanahimik. “Ano bang kaso ng mga ito?” tanong ni

