Chapter 50 Lihim na nakamasid ang ibang guro mula sa loob ng kanilang classroom sa dalawang pulis na kasama ni Manong Isko halatang inaabangan kung saang classroom ito hihinto maya maya pa ay natanawan nila na sa klase ni Ma’am Jen huminto ang mga ito. “After we discussed the different figurative speech can you name one and give an example? anyone from the group?” seryosong wika ni Jen na noon ay ganadong nagtuturo sa English class niya. Tahimik ang klase na kabadong matawag. Iwas ang mga mata na maka eye to eye ang kanilang guro at tiyak na matatawag sila ng di oras. “Okay let me give first an example then after that it's your turn to shine okay?” pabirong wika ni Jen sa kanyang klase. Yes Ma’am,” sagot ng klase ni Jen. “Bring home the bacon it doesn’t literally mean that you are go

