Ingrid Calliope's P.O.V.
Napatawa ako nang malakas habang nakaharap sa salamin at nakatitig sa aking sarili. Nabubuang na yata ako dahil sa kundisyon na ibinigay ni Daddy.
Inayos ko na ang suot kong dress at lumabas na. Pupunta ngayon ako sa Clossique. Nandoon si Lita at siguradong matutulungan niya ako sa aking problema. Sa dami ng kakilala niyang mga boylet ay sigurado akong may mairereto siya sa akin.
"Sure ba talaga kayo diyan Miss Ingrid?" tila gulat niyang tanong.
Naka upo kami ngayon sa mga sofa rito sa shop.
"Oo naman," I answered.
Nakwento ko na sa kanya ang pinoproblema ko kaya naman napapaisip na rin siya.
"Malaking bagay ang pagpapakasal. Hindi pwedeng madaliin ang ganyan," napapiling niyang saad.
"I know, Lita. I have no choice too about this. Isa pa ay wala pa nga akong napupusuan eh," napanguso ako at humawak sa balikat niya. "Kaya naman mag reto ka sa akin. I know that you know someone who is willing to date me. Marami kang kakilala kaya," saad ko.
Napahawi siya sa imaginary bangs niya at napatango na lamang. "Fine. Kung hindi lang talaga kayo malakas sa akin naku."
Natawa ako at niyakap siya. "The best ka talaga."
"Tutulungan kita dahil ikaw ang gusto kong magmana nito. Sa'yo kaya ito. Ikaw ang deserving," pinalakpak niya ang kamay niya at tumingin sa itaas na tila ba nag iisip na kung sino ang irereto sa akin.
"Send me a message huh. It's better if I can meet him tonight. Pero pwede rin namang bukas," I said while flipping my hair.
"Oo na, Miss Ingrid. Akong bahala sa'yo. Huwag kang mag alala hindi kita irereto sa chaka. Sa ganda mong iyan bagay ka sa gwapo," kinikilig niyang sambit.
Tumawa na lamang din ako at maarteng iwinigayway ang aking kamay. "Ciao."
Sumakay na ako sa kotse ko at napatingin na naman doon sa panyo. Ang kulay puting nakaburda niyang pangalan ay litaw na litaw.
Napa kibit balikat na lamang ako. Baka naman may girlfriend na iyon. Sa gwapo niyang iyon ay siguradong maraming nagkakandarapa para sa kanya.
Dumaan ako sa restaurant ni Xena. Napanguso ako ng makita ang lungkot sa kanyang mga mata. Surely, she has a problem too. Lahat naman yata tayong tao ay may problema. Iba ibang rason nga lang pero pare parehas na problema.
"Your eyes seems too tired," I said and hold his hands.
"Yeah. Pagod lang siguro dahil sa pag aasikaso sa mga bagay bagay," napasandal siya sa upuan at napahilamos sa kanyang mukha.
Me and my friends experienced so many obstacles in life. Mga namatayan pero bumabangon pa rin. Malungkot sa buhay pero pilit paring nagiging masaya.
That's why I love them all. I love my squad so much. We are all strong girls but of course we always have the soft side.
"Ikaw rin. You seems problematic too," puna niya sa akin.
Ngumiti lamang ako sa kanya at tumango. "Yup. I have too but I don't want to be sad about it. Let's just taste your amazing dish. Para naman sumaya ang tiyan ko."
Napangiti siya. A real smile. Tumayo na siya at nagtungo sa kanyang kusina.
Naka upo ako sa favorite spot niya rito sa kanyang restaurant. Tumingin ako sa labas at nahagip ang isang pamilyar na lalaki.
I am not sure if he is that. Agad din kasi siyang tumalikod at pumasok sa loob ng sasakyan. Hindi ko rin tanda ang sasakyan kaya siguro hindi siya iyon.
Npakibit balikat na lamang ako bumaling na kay Xena na may dala ng pagkain.
Napangiti ako at napapalakpak ng mahina ng makita na ang niready niyang foods. Besides fashion, I am very fond of foods too. If someone want to see me happy then he or she should feed me delicious foods.
"Ang sarap mo talagang magluto," puri ko sa kanya at sumubo na.
"Pwedeng pwede na akong mag asawa 'no?"
Napa ubo ako dahil sa sinabi niya. Agad niyang inabot sa akin ang inumin.
"Uy ayos ka lang ba?" natatawa niyang tanong.
"Bakit naman kasi biglang napasok sa usapan ang pag aasawa? Gusto mo na ba?" tanong ko.
Napapiling siya at napatawa. "Kung nakita mo lang ang reaksyon mo matatawa ka sa sarili mo. Parang ilag na ilag ka sa salitang pag aasawa ha," natatawa niya pa ring saad.
Pinaikot ko na lang ang eyeballs ko sa kanya at kumain na.
Bandang alas singko ng hapon ay nasa condo na ako. Nakasando at short shorts lang to feel comfortable. Wala naman kasi akong magawa kaya ito pa chill chill lang sa may kama habang nanood ng mga kung ano anong video sa youtube.
Hindi pa kasi nagtitext si Lita. Baka naman wala pa akong date ngayon. Sayang naman ang panahon.
Napatalon ako mula sa kama ng makita na ang pangalan ni Lita sa aking screen. Sa wakas ay may update na siya sa akin. Naku akala ko pa naman ay hindi ako makikipag date ngayon.
"Meet him at Matham Ih authenthic. Seven. He is wearing a grey long sleeve and black slacks."
Napangisi ako at napasuklay sa aking buhok.
Pa-mysterious effect pa si Lita ah. Hindi man lang sinend ang picture ng makakadate ko. Pati pangalan hindi man lang sinabi.
But I trust Lita. Hindi naman ako ipaphamak niyon. Bata pa lang ako ay kilala ko na siya. Anak siya ng isa sa mga trabahador ni Mom dati.
I get up and dig some of my clothes.
"What should I wear?" I asked while scanning my closet.
Should I wear revealing? Pa-Maria Clara?
Duh of course, Ingrid. You should wear a decent cloth. First impression last.
Kinuha ko ang kulay brown kong romper. Hanggang sa ibaba iyon at mahaba. I will partner it with my stiletto. Fitted iyon sa itaas at sa baba ay pa square pants ang style.
At six o'clock I decided to take a bath. I should use more fragrant soap.
Nagkanta kanta pa ako habang naliligo. Enjoy na enjoy pa ako sa aking ginagawa.
Pagkatapos ko roon ay nagbihis na ako at nag ayos. Light make up to be presentable. No need to exaggerate naman. Maganda na ako.
After fixing my looks I gave a flying kiss to my reflection in the mirror.
Looks like Daddy's condition will be easy for me. Easy peasy. Just wait my dearest, Daddy. Clossique really belongs to me. Not just to somebody.
Nilagay ko na sa bag ko ang cell phone at pitaka ko. Nasa daliri ko ang susi ng kotse at pinapaikot ko iyon habang naglalakad ako papuntang elevator.
I'm in a good mood right now. I feel like that this date will be the solution to my problem. Although it is just the first step for the mission.
Malapit lang naman iyong sinasabi ni Lita kaya hindi ako natagalan. Wala rin namang traffic. Mukhang nakiki ayon talaga sa akin ang pagkakataon.
Naghanap ako ng pwesto ng sasakyan ko sa parking at bumaba na. I smiled while looking at the front of the restaurant.
Sa labas pa lang ay naririnig ko na ang pagkakanta ng isang lalaki. Ganito talaga rito, may entertainment. May ibubuga naman kasi ang mga performers nila. Ang sarap sa pandinig ng boses.
Tumunog ang takong ng suot ko habang papasok. Maarte kong sinuyod ang buong restaurant para makita ang ka-date ko.
Napangisi ako ng makita ko na ito. Tulad ng sinabi ni Lita sa suot suot nito.
Nakatalikod pa lang ay mukhang yummy na. Hindi ko pa nakikita ang itsura pero sigurado akong gwapo siya.
Nasa malapit pa lang ako ay amoy na amoy ko na ang bango niya.
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko at inayos ang aking posture bago humarap sa kanya.
"Kanina ka pa ba rito?" tanong ko habang umuupo na sa harapan niya.
"What?" tila takang tanong nito.
Tinaas ko na ang tingin ko upang makita ang mukha niya. Napanganga ng maliit ang aking labi ng makilala ko siya.
"Oh my gosh," mahina kong sambit at napatakip sa aking bibig.
Mas nabigyan ako ng chance para matitigan ang mukha niya. Noong nakabangaan ko siya sa parking ay sobrang gwapo na niya. Ngayon na nakaharap na ako sa kanya ay mas dumoble pa yata iyon.
Makapal ang kilay. His eyes is black. His nose is pointed. And... his lips is red like a cherry. Kasing sarap din siguro ng cherry kapag natikman.
Without lies, his look is a whole meal. He looks so cool and hot at the same time! Tumpak. Bagay na bagay kami talaga.
Hindi nga talaga nagsinungaling si Lita. Hindi nga talaga nakaka dissapoint ang irereto niya sa akin.
My mouth is closed but I am screaming inside.
Nakatingin lang siya sa akin habang nakataas ang kilay niya. Wala siyang pinapakitang emosyon. Seryoso lang.
"Hi," pabebe kong iwinagayway ang isa kong kamay. "I'm Ingrid. How about you?" I asked kahit alam ko naman na ang pangalan niya.
Napatawa ang kalooblooban ko. Hmp. Akala ko pa naman ay may jowa na siya. Mabuti na lang at wala! Hindi na ako lugi sa kanya at hindi na rin siya lugi sa akin ah. Balance na balance na. Mas balance pa sa sheet ng iba.
Nakatitig pa rin siya sa akin at parang walang balak sumagot.
"Your Kiyoshi right?" saad ko na dahil balak niya yatang panisin ang laway niya. For real ba talaga?
Ganyan ba talaga siyang makipag date? Titigan lang ang kasama niya at hindi magsasalita. Naku. Kung hindi lang siya gwapo ay minus point na iyon. Pero mukha naman siyang cool. Mukha ring ka "rawr rawr."
Sa wakas ay tumango na rin siya.
"Yes I am. And what are you doing here?" masungit niyang tanong.
Napatawa ako ng mahina at tinuro ang aking sarili. "What will a person do to the restaurant?" hindi ko na napigilan ang pagiging sarcastic ko. Obviously.
Napapiling siya ng maliit. "I know. What I mean is why are you sitting in front of me?"
"Duh. I am your date for today," I rolled my precious eyeballs at him.
"Come again?" looks like he can't believe on what he heard.
Ganoon ba ako kaganda para hindi siya makapaniwala na makaka-date niya ang isang dyosa na katulad ko?
"I am your date for today. Ikaw iyong sinasabi ni Lita diba?" pag uulit ko. Para naman hindi na siya malito pa.
Napakagat siya sa labi niya. He amusedly looked at me. "Are you for real?" then he chuckled.
"What? Do you think that I am fake?" nilalabas niya talaga ang pagiging maldita ko. Naku talaga.
"Sorry to burst your bubble. I am not your date for today and I don't know who is Lita," he said. Maarte pa ang pagkaksabi niya sa pangalan ni Lita.
Napatigil ako at napatitig sa kanya. "Eh anong ginagawa mo rito?" wala sa animong tanong ko.
"I am here for business, Miss. I am not here for a date. So if you'll excuse me, can you stand up there? Paparating na ang ka-meeting ko," litanya niya. Masungit talaga.
Namula ang buo kong mukha. Argh! Lupa kainin mo na ako! Nakakahiya!
With my pride, I stand up like nothing happened.
"Oh, I'm sorry then. Not my fault that you wear the same color with my date," tinaasan ko siya ng isang kilay at tumalikod na. Kunwari ay kasalanan niya kung bakit ako nagkamali.
Bakit ba naman kasi ganoon ang kulay ng suot niya?
Pagkatalikod na pagkatalikod ay napanguso ako. Dahil sa hiya at sa panghihinayang.
Hindi ba talaga siya ang ka-date ko? Ihh sayang naman.
Gwapo pa naman niya. Siya ang gusto kong maka-date. Bagay na bagay kami eh.
Whatever, Ingrid. Major turn off na ang ginawa mo sa kanya.
Nakakahiya talaga! Saan na ba kasi ang totoo kong ka-date? Kasalan niya ito eh.
Napahirap ako ng makita ang isang lalaki na winawagayway ang kamay sa akin. Nakaupo siya malapit lang din sa table ni Kiyoshi.
Tamad akong naglakad papunta sa kanya. Pagka upo ko sa harapan niya ay bumaling ulit ako sa table ng masungit na lalaki.
Nabantay ko siyang nakatingin sa akin o sa amin. Seryoso lang at walang imik. Hindi ko alam kung ano ang naglalaro sa kanyang isipan.
Oh ano? Nanghihinayang na ba siya at pinakawalan niya pa ako?
Naiinggit ba siya dahil may iba na akong ka date?
Luh. Habulin niya ako kung gusto niya.