Ingrid Calliope's P.O.V. Daig ko pa ang batang excited na makita ang pasalubong ng mabalitaan ko na uuwi na si Kiyoshi. Kagabi ay sinabi niya iyon sa akin. Na-close na niya ang deal kaya naging tatlong araw lang ang pag-istay niya sa Spain. At heto ako ngayon, may hawak hawak na placard. Nakasulat na "Welcome home" at hindi ko alam na may tinatago pala akong ganitong ka-sweetan. It's cringe but I can't myself tho. Nang makita niya iyon ay napatigil siya. Ibinaba niya ng kaunti ang kanyang shade sa ilong at sinilip ako. May pumuslit din na ngisi sa kanyang mukha. Naglakad na siya papunta sa akin na para bang isa siyang model na nasa runway. Pagka-stop niya sa harapan ko ay mayabang niyang binasa ang nakasulat. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ako sa baba para mahalikan ako ng mabilis

