Kiyoshi Amio's P.O.V. Nandito na naman sila. Hanggang kailan ba nila ako sasaktan? Pisikal man o salita. "Aww, mag isa na naman. Wala kasing daddy," sambit ng matabang lalaki. Araw-araw ay ganito ang nararanasan ko. Kung sanang makikilala ko ang ama ko ay hindi na ako gaganituhin ng mga batang ito. Hindi ako nagsalita at hindi na sila balak patulan pa. "Oh bakit hindi ka makapagsalita? Totoo kasi. Hindi ka mahal ng daddy mo kaya ka iniwan," iyong bungi naman ang nagsalita. Napintig ang tenga ko at hindi ko na maiwasang malungkot dahil doon. Laging pinapaalala sa akin ni Mama na mahal ako ng ama ko. Siya ang lumayo at siya ang may kasalanan kung bakit hindi ko ito nakilala. Pero hindi ako naiinis sa ina ko. Alam ko naman na may dahilan siya. Siguro nga bata pa ako para maintindihan

