Another day, another happiness to start. Maganda ang gising ni Phoebe. Her graduation party was a blast at hinding-hindi niya makakalimutan ang sayang naramdaman niya dahil sa pagpapahalaga sa kaniya ng kaniyang personal bodyguard na si T. Matapos din ang graduation ay iginala siya nito sa mall. Binilhan siya nito ng regalo na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nabubuksan at binusog rin siya ng mga mamahaling pagkain na libre nito para sa kaniya. Kaya ngayon, masaya siya lalo na at may naiisip siyang gawin para makasama ang crush niyang si T. "Oh my gosh, I really have a crush on him." Muling napadapa si Phoebe sa kaniyang unan at do'n, impit siyang tumili habang nararamdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Mas lalo siyang kinilig nang bigla niyang naisip ang guwapo pag-ngiti

