Ang sandaling iyon ay hindi inaasahan ni Cleo. Hindi niya inakala na ang pagpayag niya na pagbigyan ang kahilingan ni Bryan na makasalo siya sa isang hapunan ay hahantong sa Lee Mansion. Ang buong akala niya ay sa isang restaurant siya dadalhin nito ngunit ngayon ay narito na siya sa hapag kainan ng pamilya Lee at kaharap ang mga magulang ng lalaki. Hindi niya alam kung paano ang ikikilos niya. Ang pakiramdam niya nang oras na iyon ay ang pakiramdam din niya noong unang beses na makaharap niya ang mga ito sa condo unit ni Calyx, nang madat’nan sila ng mga ito na magkatabing nakahiga at walang saplot. Bagaman at disente ang suot niya ngayon ay para siyang hindi makatingin ng deritso sa mga ito. Wala siyang kasalanan ngunit may reaksyon ang kaniyang katawan na hindi niya maipaliwanag. Hulin

