Nakailang ikot pa sa harap ng salamin si Cleo nang umagang iyon. Iyon ang unang araw niya ng pagtatrabaho sa kompanyang pag-aari ng kan'yang pamilya. Simula na ng mga sandaling araw-araw na niyang makakasama si Calyx. Hindi nakapagsalita si Stella nang bumungad sa sala ang anak mula sa silid nito. Nakita niya ang bahagyang pagngiti nito. Tila bumalik na nga sa dati ang pinakamamahal niyang anak. Hindi na ito mukhang miserable tulad ng mga nakaraang araw. Batid niyang isang malaking desisyon ang ginawa nito sa pagtanggap sa alok ng lolo nito noon pa man na magtrabaho sa BGC. Hindi rin maipagkakaila sa kan'ya nito na ang pagtanggap na iyon ay may kinalaman kay Calyx. Lihim na nag-thumbs up pa si Sussy matapos pasadahan ang ayos ni Cleo, matapos iyon ay ngumiti siya sa kaibigan. Sa suot nit

