Tinanggap ni Cleo ang nakalahad na palad ni Bryan, tanda iyon upang alalayan siya sa pagbaba sa kotse. Sa kan'yang kotse pa rin nakisakay ang lalaki sapagkat ipinapa-repaint nito ang kotse nito. Iyon ang Brillante Cares Village. Unang beses niyang nakapasok sa village na iyon. Lihim siyang humanga sa lolo niya sapagkat hindi lang pagpapayaman ang nasa isip nito kung hindi ang kumalinga rin sa mga nangangailangan. Iyon naman talaga ang hindi nararapat na mawala sa bawat layunin ng isang tao, ang tumulong at magbahagi ng biyayang nakakamit at natatanggap nito. Sa isang function hall sila tumuloy nang sandaling iyon. Hindi na siya nagtaka nang madat’nan doon ang ilang mahahalagang tao sa mundo ng negosyo maging ang mga reporter sa iba’t ibang estasyon ng TV, radio at maging sa mga newpaper.

