Chapter 38

2491 Words

Hindi nga nagkamali si Sussy sapagkat nang magising si Cleo kinabukasan at maging malinaw sa isip nito ang mga pinagagawa sa Moonlight Pub at ang mga sinabi nito kay Calyx ay ganoon na lamang ang pagsisisi nito. Naiiling na lamang siya na pinagmasdan ito habang paulit-ulit na tinatampal-tampal ang sariling mga pisngi sa mahinang kilos. “Bakit hindi mo ako pinigilan?” baling agad ni Cleo sa kan'ya. Kasalukuyan siya noong nakasandal lamang sa may bintana at nakatingin sa dalagang bagong gising. Doon na rin siya nagpalipas ng magdamag sa condo unit nito nang nagdaang gabi. “Pinigilan kita, masyado ka lang mapusok at padalos-dalos.” Nilamukos ni Cleo ng sariling mga palad ang sarili nitong mukha. “Paano na ako papasok ngayon sa kompanya. Paano ko pa siya mahaharap?” “Masyado ka kasing m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD