Alangan pa si Cleo na ipulupot sa baywang ni Calyx ang kan'yang mga bisig habang nasa likuran nito at ka'pwa sila nakasakay sa iisang kabayo. Hindi na niya ipinagkait pa sa lalaki ang pagkakataon na makasama siya at pagbigyan ang nais nito. Langhap na langhap pa niya ang lalaking samyo nito sanhi ng gamit na pabango. Sweet lang sa ilong at hindi nakakasawa ang amoy. Mula sa likuran ay napansin niya ang batok nito at ang malapad nitong balikat. May sariling kilos ang kan'yang mga labi na nagpilas ng isang ngiti. Marahan niyang inilapat ang kan'yang pisngi sa balikat nito at inihilig roon ang kan'yang ulo. Lihim ring napangiti si Calyx sa ginawang iyon ni Cleo. Ang hangad lang niya ay ang magkalapit sila nito at makuha ang loob nito. Sa pagbilis ng takbo ng kabayo ay siya ring paghigpit

