“ANO na naman, Kane?” frustrated na tanong ko nang muli akong magising sa kalabit niya. Tinignan ko yung wall clock na nasa itaas ng pinto. Hindi ko naman napigilang mapasimangot nang makita ko kung anong oras na. Agad akong tumingin sa kanya na halos hindi maipinta ang mukha. “Ikaw, sumusobra ka na! Dapat talaga sinasahuran—” “Yeah! Yeah! I'll pay you,” pagputol niya sa sinabi ko. “But for now, samahan mo ako, drive thru tayo,” usal nito sabay hawak sa tiyan niya. Hindi ko naman napigilang magwala sa kama na kinahihigaan ko dahil sa gusto nitong mangyari. “Let's go now, Ly… nagugutom na ako,” Agad akong napahinto nang marinig ko ulit ang boses ni Kane. “Ikaw lang naman ang nagugutom, bakit kailangan kasama ako? Ako ba magbabayad ng ipangda-drive thru mo?” inis na tanong ko dito n

