“WOW! Grabe, grandma ha! Ang dami nito,” natatawang bulaslas ko nang tuluyang mailabas ni Ate Tere ang mga pinaluto ni grandma. Marahan akong napatingin kay grandma nang marinig ko siyang tumawa. “Naku, naalala ko kasi na marami oang paboritong pagkain kaya naman pinaluto ko ang ilan doon,” saad niya at ngumiti. “Here, you love shrimp, right?” Agadako nitong ipinagsandok ng garlic buttered shrimp na nasa tapat ko lang halos. Hindi naman rin ako tumanggi dahil paborito ko naman talaga ‘to. “Thank you, grandma pero ang dami talaga nito,” saad ko habang nakatingin pa sa isang ulam na pinaluto niya. “Wala iyan. Sige at kumain ka na,” saad nito habang nakangiting nakatingin sa akin, lumipat rin naman agad ang tingin nito kay Kane na pinagmamasdan rin ang mga pagkain. “Kane, hindi ka pwede

