PAPASOK na kami ng hospital nang sabay kaming mapahinto ni Ame dahil sa dalawang pigura na nakikita namin. “Am I seeing it right?” rinig kong tanong ni Ame na parang nanghuhingi ng confirmation na nakikita ko rin ang nasa harapan namin. “Oo, girl. Nakikita ko,” saad ko na hindi inaalis ang tingin. “Sh*t! Holding hands?” rinig ko pa ring saad ni Ame. “Tawagin ba natin?” tanong nito na agad ko namang ikinatango. Kahit naman alam na namin na si Sir Jem yon ay medyo nagulat pa rin kami lalo at alam namin kung ano ang ugali niya dahil boss lang naman namin siya. Napakagat na lang ako sa loob ng labi ko habang pinapakilaka ni Sir Jem ang sarili niya samin. Para bang normal na tao lang rin siya, mabuti pa siya… Rinig na rinig ko naman ang pagtili ni Ame nang tuluyang mawala na si Sir Jem sa

