Chapter 22: Third Person's POV "Are you f*****g kidding me? Bakit hindi niyo siya makita?!" sigaw ni Vaughn at binalibag ang cellphone na hawak niya ng ibalita ng tauhan na hindi pa rin makita si Yvette. Bigla naman napa-iyak si Cash pagkalabas ni Vaughn sa silid na iyon. "Pare okay lang 'tan makikita rin natin si Madam," pag-aalo ni Bill kay Cash habang tinatapik-tapik pa ang balikat nito. "Hindi naman 'yon tol, cellphone ko 'yong binalibag ni master eh. Hindi ko pa tapos hulugan 'yang Vivo tol, tapos binasag ni master! Homaygud!" histerikal na wika ni Cash at nanlulumong pinupulot ang basag niyang cellphone. GABI NA ngunit hindi pa rin nila nakikita ang asawa niya. Kaka-uwi lang din niya galing sa paghahanap, galing sa mga lugar na maaring puntahan ng asawa pero wala. Naikuyom niy

