Chapter 28: Yvette's POV - Flash back - Hinilot ko ang aking batok habang nag-aabang sa labas ng mataas na gusali. Gabi na at anumang oras ay alam kong lalabas na siya. I wonder if he's okay? Is he done with his dinner? Is Celine there? Nagliwanag ang mata ko nang makita si Vaughn na malalaking hakbang na lumabas sa building at sumakay sa kotse niya, kaagad kong binuhay ang makina ng sasakyan at saka siya sunundan. Napansin ata niyang may sumusunod sa kaniya dahil unti-unting bumilis ang pagpapatakbo ni Vaughn. Napangisi ako saka mas binilisan ko rin. Nagpaliko-liko siya ng daan, binagalan ko para kumalma siya. Nang masigurado kong nakarating na siya sa mansyon niya ay sumunod na ako. Hindi nga ako nagkamali, sa malayo ako pumarada, sinipit ko siya't naabutan papasok na sa loob. M

