Chapter 12: Third Person's POV "Wah! Ang ganda! I love Italy!" sigaw ni Yvette nang makababa sila sa private plane ni Vaughn. Ngayon araw kasi ay nasa Italy sila para sa honeymoon nila kagaya ng sabi ni Vaughn ay pagkatapos ng kaniyang graduation. Hindi naman niya alam anong gagawin sa honeymoon, sabi lang ni Vaughn ay mag-eenjoy siya. Kaya pumayag na siya. "Hey careful," usal niVaughn na nasa likudan niya at hila-hila ang maleta nila. Hinintay niya ito makalapit sa kaniya. Ang bagal kasi nito maglakad, naka-pamulsa pa ito animong model na nag lalakad sa airport. "Vaughn bilisan mo! Omg! Excited na ako, mayroon din ba ritong beach?" bigla naman nag seryoso at parang nalungkot si Vaughn. Bigla ay nakaramdam siya ng lungkot dahil alam niyang hindi niya masasamahan ang asawa sa ganon

