Tacenda’s POV Hindi ko inalis ang tingin sa daan at sa kotse ni Mr. Augusto na siyang sinusundan ko. Ilang minuto na akong nakasunod dito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakarating sa pupuntahan dahilan upang maramdam ako ng inis. Hindi ganoong kahaba ang pasensya ko sa mga ganito. Ayaw na ayaw kong naghihintay pero ang palaging nagiging ending ay wala naman akong choice kung hindi ang maghintay. Inalis ko ang baseball cap na suot ko sa aking ulo at inis na pansamantala ko muna itong tinapon sa passenger seat. Pinatong ko ang siko ko sa bandang bintana at kinuyom ng kamao upang sandalan ‘yon ng ulo habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa manibela. Nakatingin lang ako sa labas. “Sigurado ka bang hindi ka lilinya sa linya kung nasaan siya?” rinig kong tanong ni Adira

