Tacenda’s POV “There’s no cctv around the area, Sir Zad. Ang mga dinaanan mo rin, sa hindi malamang dahilan, hindi naman nakuhaan na dumaan ka,” sambit ni Detective Amalano, may pinakita pa siya kay Mr. Augusto mula sa laptop niya naa agad namang tinignan ni Mr. Augusto. He seems so serious about finding the girl who saved his life. Nasa labas ako ng private room kung saan sila nag-uusap at mula sa earpiece na suot ko na nakakonekta sa computer ni Adira na siyang konektado naman sa phone ni Mr. Augusto, naririnig ko ang usapan nilang dalawa. Sumimsim ako sa juice na inumin ko habang walang ni anumang emosyon sa mukha. “Mukhang nahulog si Mr. Parcon sa ‘yo,” rinig ko namang sabi ni Adira kaya naman ay napairap ako. Mariin din akong napapikit pagkatapos nun. Hindi ko alam kung anong nak

