Denara’s POV Matapos dumaan ang gulat sa mata ko sa muli pagkakataong para makita ko siya ulit, sinalubong ko naman ang mata niyang sinubukan kong labanan ngunit hindi ko kinayanan. Those eyes are still powerful and scary, agad akong napaiwas. “Huwag mo ngang titigan ng ganyan, natatakot sa ‘yo ang tao e,” agad na sinaway siya ni Jespy. “Tara, pasok ka.” Napalingon ako sa kanya na siyang inaanyayahan akong lumapit sa pwesto niyang malapit lamang doon sa babae. Hindi ko namalayan na lumapit na pala siya roon kaya naman nang marinig ‘yon ay agad naman akong sumunod na siya lamang ding sinundan ni Sorin. “You cooked?” Sorin asked that girl but he didn’t receive any answers from that girl. Nakatingin lamang sa akin ang babae gamit ang mga mata niya dahilan upang makaramdam ako

