Chapter Three: Contract

1320 Words
“Apat na milyon lang?” Huminto ako sa paglalakad nang maisara ko ang pinto ng kwarto ko. Salubong ang mga kilay ko na tinignan isa-isa ang bawat papel na hawak upang hanapin ang papel kung saan doon nakasulat, kung magkano ang makukuha pagkatapos ng misyon. Kaagad ko namang nahanap iyon kaya naman muli akong naglakad patungo sa kama ko. Naupo ako roon bago binasa ang nasa papel. Ngumisi ako. “To be a secretary and personal assistant?” “Yes,” sagot ni Adira. Umiling-iling ako bago binalik ang mga papel sa folder saka pinasok sa envelop. Pinatong ko iyon sa side table ko at pagkatapos, binagsak ko ang katawan ko sa malambot kong kama. “Ang baba ng presyo, hindi ko tatanggapin,” pahayag ko. “I'm sure Jespy is waiting for another mission, try it to recommend to her, tatanggapin niya agad 'yon,” dugtong ko. “This is a big mission. Hindi mo basta-basta pwedeng i-reject 'to and also, we can't turn over it to someone even on one of the member of P.I.C.S,” Adira acknowledge. “The client wanted you to handle this mission, Tacenda, isa pa may inaasikasong si Lorcan na misyon para sa pagbabalik ni Jespy,” dugtong pa nito na ikinabuntong hininga ko habang nakatuon ang pansin sa kisame. “Pag-iisipan ko kung itataas ang presyo,” tugon ko. “Call me again when the client made a decision,” dagdag ko bago tinanggal mula sa tainga ko ang earpiece na nakakonekta kay Adira. Automatikong napuputol ang koneksyon naming dalawa sa tuwing tinatanggal 'yon. Kasabay nang muli kong pagbangon mula sa pagkakahiga, nilagay ko na rin ang earpiece sa mismong lagayan nito upang mag-charge na rin. Inihelera ko lamang iyon sa mga gamit ko na nakapatong sa side table kung saan ko nilapag ang earpieces ko. Nang magawa 'yon, dumeritso ako sa walk in closet ko upang magbihis. Hinubad ko lamang ang itim na leather na suot ko at ang long sleves na itim na suot ko naman sa ilalim ng leather jacket ko ay hinayaan ko lang. Sinabit ko lang iyon sa sandalan ng couch sa loob ng walk in closet ko. Kung maririnig ang salitang ‘walk in closet’ ang unang papasok sa isip ng tao ay lugar kung saan nilalagay ang mga iba't-ibang klase ng kasuotan, collection bags, mga kasuotan sa paa at iba pang mga gamit na isinusuot sa ating katawan. Ganoon naman sa akin ngunit sa kabila ng anyo nito ay masasabi kong hindi lamang ito walk in closet katulad ng iba. My walk in closet also have an access to the main house. Ginala ko ang paningin ko hanggang sa umabot 'yon sa salaming nasa likod ng mini living room ko rito. Nang makita ang sarili sa salamin na nakasuot ng itim na long sleeves na pinaresan ng hindi gaanong ka-light na itim na pantalon, at itim na boots na mayroon pang heels na palagi kong ginagamit, agaran akong napangisi. Saglit ko pang tinitigan ang sarili ko sa salamin bago lumapit sa tabi nun na siyang lagayan ng mga iba ko pang boots at pinindot ang botton na nakalagay sa tagong bahagai ng estante na 'yon na naging dahilan upang dahan-dahang bumukas 'yon, leading the way to the hallway that was connected to the main house. Nang bumukas ‘yon, agad akong pumasok at tinahak ang hindi ganoong kahabaang hallway haggang sa makarating ako sa isang pintuan na kusa na lamang bumukas pagkatapos na ma-recognize ang mukha ko. Dire-diretso akong pumasok nang bumukas ‘yon. Nagtungo ako sa kusina na siyang nasa may left side lamang ng pintong nilabasan ko. Binuksan ko agad ang refrigirator na naroon para tignan kung ano ang pwedeng maluto para sa dalawang ‘yon. They were gone for almost a couple of months to complete their mission that located on the other country. Jespy was assigned on Hongkong, kasabay din nang pagtanggap niya sa misyong inatas sakanya, may inasikaso rin siya kaya mas nagtagal pa ang pananatili niya roon. Si Sorin naman, mayroong ding misyon sa Canada at dahil doon located ang misyon niya, nilubos-lubos na niya ang pagkakataon dahil humirit pa ng ilang buwan para magbakasyon doon. Sabay pa silang umalis kaya mag-isa lang ako rito sa bahay ng ilang buwan din. Kumuha ako ng mga kasangkapan para sa lulutuin ko mula sa fridge at nilapag lahat ng ‘yon sa counter ng kusina. Mabuti na lamang talaga ay nag-grocery ako noong nakaraan dahil kung hindi ay walang stock dito. Pagkatapos kong makuha ang lahat ng mga kakailanganin ko, lumapit at humarap na ‘ko sa mga nilapag ko sa counter at hindi na nag-aksaya pa ng oras dahil sinimulan ko na. Ilang minuto lamang ang tinagal nang pagluluto ko na saktong nang matapos ako ay ang pagkakataon naman nang pagdatin nina Jespy. Nang marinig ko ang tunog ng sasakyan ni Jespy, paniguradong akong papasok na ‘yon sa main gate. Nag-notifi rin sa isang flat screen tv ang pagbukas ng main gate na usual nangyayari tuwing bubukas ang gate at mayroong papasok. Nanatiling seryoso ang mukha ko nang hinain ko ang niluto ko na mayroong sabaw, kahit na mainit at umuusok pa. Sinalin ko ‘yon sa isang malaking bowl bago dahan-dahang nilakad sa dining table na nasa tapat lamang ng mismong kitchen area. Nilapag ko ‘yon sa isang mat sa gitna ng mesa at nang saktong mailapag ko ‘yon ay siya namang pagbukas ng main door at iniluwa ang tatlong tao. Katapat lamang ng main door ang dining area ngunit mayroon ding kalayuan. Napatingin ako sakanila gamit ang blankong ekspresyon ng mukha ko. Isa-isa ko silang tinignan hanggang sa dumako ‘yon sa isang hindi pamilyar na babae na kasama nila. Pasimple kong tinignan ang kabuuan niya. She looks so young. Hanggang balikat lamang siya ni Sorin kaya naman ay nagmumukha siyang maliit. Pinili niya pa talagang tumabi kay Sorin na siyang pinagkaluuban ng katangkaran. Sinalubong nito ang mga tingin ko gamit ang nahihiya niyang mga mata na halatang ilang pa. Hindi nagtagal ang pakikipagtitigan niya sa ain na tila ba’y hindi kinaya ang titig ng mata ko na usual na nangyayari dahil kahit gaanong katagal ang gusto nilang makipagtitigan dito, sa huli, hinding-hindi sila magwawagi. They were the one who’s breaking the connection of our eyes, not me. Kahit sila Sorin at Jespy na ilang taon ko nang kasama ay hindi magawang makipagtitigan sa mata ko. Natitignan nila ako sa mata ngunit ‘yon nagtatagal. They told me a lot of times that my eyes is that scary. Kung sinong mapapatitig dito ay magdedesisyong umatras na lamang at hindi na ulit titingin pa. My eyes is normal like others. I also don’t have powers but the way I stare using my eyes together with my blank face, it gets people scared. Umayos ako ng tayo at pinatong sa mesa ang pat holder na ginamit ko sa paghain ng mainit na sabaw na niluto ko habang nanatili ang tingin sa kanilang tatlo gamit ang blankong mukha. “Huwag mo ngang titigan ng ganyan, natatakot sa ‘yo ang tao e,” agad na uway sa akin ni Jespy. “Tara, pasok ka.” Nilingon niya ang babae at inaya kaya naman agad na sumunod sakanya nang maglakad siya papalapit sa akin habang si Sorin naman ay sumunod din. “You cooked?” rinig kong tanong sa akin ni Sorin ngunit hindi ko siya sinagot. Pinanatili ko ang tingin sa dalawang ababae na ‘to, si Jespy at ang kasama niya. Nang tuluyan makalapit silang tatlo sa dining table, tinuro ni Jespy ang babae. “The new member of P.I.C.S.” Nanatiling nakaturo siya sa babae. “Denara,” pagpapakilala niya roon na ikinabigla ni Sorin, pati na rin ako ngunit pinanatili kong kalmado ang ekspresyon ng mukha ko. “New member?!” gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Sorin pagkatapos marinig ang tinuran ni Jespy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD